top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

'Wag na hintayin ang “worst situation”sa Delta variant

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 12, 2021
  • 2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | August 12, 2021



Gumagrabe ang sitwasyon sanhi ng Delta variant.


May contingency plan ba ang gobyerno kapag naging- worst?


Waley po!


◘◘◘


HINDI na dapat hintayin ang “worst situation”, dapat nang magsagawa ng emergency drill.


Ang emergency drill ay hindi lamang para sa earthquake, bagkus ito ay para sa lahat ng klase ng krisis!


◘◘◘


KARANIWANG kapos ng medical worker, facilities at equipment sa COVID-19 surge crisis sa antas ng India, kaya’t malinaw na may kongretong padron na mapagkokopyahan.


Ibig sabihin, pag-aralang mabuti ng gobyerno kung ano ang naranasan sa India at Indonesia, ngayon pa lamang at ihanda na ang dapat ihanda!


◘◘◘


ANU-ANO ang dapat ihanda o gawin sakaling hindi na maiiwasan ang Indonesia o India COVID-19 crisis model?


'Yan ay dapat na agenda ng lahat ng sector kabilang ang media at pribadong sektor!


◘◘◘


NGAYON pa lamang ay dapat nang maglatag ng “Operation Delta” ang lahat ng barangay, bayan, siyudad at lalawigan.


Ang lahat ng departamento ng gobyerno ay dapat din nakaalerto!


◘◘◘


HALIMBAWA, anu-anong barangay—ay “COVID-19 free”—dapat silang isolate agad—o ikordon o huwag i-lockdown nang todo.


Ang layunin ay upang hindi sila mahawa o hindi makapasok sa mga “COVID-19 free-barangay” ang Delta virus.


◘◘◘


TIYAKING mababakunahan din agad ang mga tao na nasa loob ng “COVID-19 free-barangay” upang mairepreserba sila at mailigtas sa delubho.


Kung 50 percent ng 42,000 barangay sa buong Pilipinas ay COVID-19-free, ihiwalay na sila sa “rest of-the population” at bigyan sila ng special attention.


Sa ngayon, pinababayaaan lang ang mga COVID-19-free area, at ang tinututukan ay ang mga lugar na maraming kaso, hindi ba?



Mali. Malaking mali!

◘◘◘


ANG malaking bilang ng mga sundalo at pulis ay gamitin sa pagpigil ng Delta—at magagawa ito nang malinaw at kongkreto—kapag nai-lockdown nang todo—ang mga “COVID-19 free area”.


Gayunman, kakambal dito—ang panibagong kalahati ng puwersa ng AFP at PNP—ay magbabantay nang todo—at hiwalay, sa mga lugar na maraming kaso ng COVID-19.


Sa madaling salita, may “dalawang klase” ng suntok ang gobyerno—una, ipreserba ang mga lugar na COVID-19-free; ikalawa, tutukan ang mga lugar na maraming COVID-19 case.


Magkahiwalay na puwersa, enerhiya, resources, manpower o commander ang hahawak ng “dalawang aspektong ito”.


Ito ay inobasyong hindi ginagawa sa ibang bansa, pero dapat ipatupad sa Pilipinas!


◘◘◘


SA loob ng mga COVID-19-free area, may malayang pagkilos ang mga tao, may negosyo, may trabaho at normal na dapat ang buhay.


'Yan ay palaki nang palaki at paunlad nang paunlad!


◘◘◘


SA kabilang panig, ang mga lugar na maraming kaso ng COVID-19 ay dapat may malawakang imbentaryo—tulad ng bilang ng mga oxygen supplies, medical clinic, isolation area, medical personnel, communication system, help desk, ambulance, cash assistance, morgue, libingan, kabaong o funeraria.


Walang gagalaw o ipatutupad ang “statue dance” status–walang kikilos na tao o grupo ng mga tao sa mga naturang lugar!


◘◘◘


SA COVID-19 crisis area, ang lahat ng pulis, sundalo o emergency workers o lahat ng nasa kalye—ay dapat naka-PPE.


Naka-PPE sila, upang matiyak na hindi kakalat ang Delta.


Ang mga pulis o sundalo sa checkpoint ay hindi dapat aalis mula sa detachment corner, bagkus ay dadalhan na lang sila ng pagkain dahil maaaring sila ay “maging positive” anumang oras.


◘◘◘


WALANG exempted sa protocol sa COVID-19 crisis area, at mistulang “Martial Law” na ipatutupad ang batas.


Iyan ang tamang diskarte sa panahon ng paglala ng Delta.


Hindi pa naman ito ipatutupad, pero dapat nang pag-usapan upang maiwasan ang paglala ng sitwasyon.


Mayroon bang ganyang agenda sa Malacanang?


Malungkot ang sagot: Wala!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page