top of page
Rico Blanco at mystery girl - Circulated

'Wag magpagamit sa Malacañang... Alan kay Win: Ingat ka!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 17h
  • 1 min read

ni BRT @News | June 7, 2026



Alan Peter Cayetano at Win Gatchalian - FB

Photo: Alan Peter Cayetano at Win Gatchalian - FB


Nagbigay ng babala si Senator Alan Peter Cayetano kay Sen. Sherwin “Win” Gatchalian kaugnay ng mga kaganapan sa Senado at sa umano’y impluwensiya ng Malacañang.


Sa kanyang Facebook Live kahapon, sinabi ni Cayetano na dapat maging maingat si Gatchalian upang hindi umano magamit para sa interes ng iba.


“Mag-ingat si Senator Win. Maganda naman ang future niya. Huwag kang magpagamit sa Malacañang at doon sa mga kasamahan mo kahit binibigyan ka ng high position,” ani Cayetano.


Habang isinusulat ang balitang ito, wala pang tugon si Gatchalian sa naging pahayag ni Cayetano.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page