top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

'Wag isakay sa truck ng basura...'Hakot supporter', tratuhin namang tao

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 26, 2022
1 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | February 26, 2022



GUSTO RIN SIGURO NI DOC WILLIE MASAKTAN ANG DAMDAMIN NI ISKO KAYA IMBES NA SI YORME, SI PACMAN NA ANG PINUPURI NIYA NGAYON–Matapos masaktan ang damdamin nang hindi siya isinama ng kanyang katandem na si presidential candidate Mayor Isko Moreno nang mangampanya sa Mindanao, ang ginawa ni vice-presidential candidate Doc Willie Ong ay pinuri si presidential candidate Sen. Manny Pacquiao.


Aniya, hindi lang magaling na boksingero si Pacman, kundi magaling din itong lingkod-bayan.


Siguro, gusto rin ni Doc Willie na masaktan ang damdamin ni Mayor Isko kaya ang si Pacman na ang pinupuri ngayon, boom!

◘◘◘


AYUSIN ANG TRATO SA MGA ‘HAKOT SUPPORTERS’–Viral ngayon na nakasakay at nagsisiksikan sa trak ng basura ang grupo ng mga “hakot supporters” umano ng magkatandem na pulitiko.


Dapat sabihan ng tandem na pulitiko ang kanilang organizers na hindi dapat pang maulit ang ganyan na sa trak ng basura isinasakay ang kanilang supporters kasi hindi magandang tingnan ang ganyan.


‘Ika nga, kahit mahihirap lang ang mga ito, dapat ayusin naman ang trato sa kanila kasi sa totoo lang ay hindi magandang tingnan na ang mga tinatawag na “hakot supporters” ay sa trak ng basura lang isinasakay, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page