‘Wag daw kunsintihin ang kalandian ng BFF… ROBI, NAGPASAKLOLO SA NBI DAHIL KAY KATHRYN
- BULGAR

- Feb 28, 2025
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Feb. 28, 2025
Photo: Robi Domingo - IG
Bumisita si Robi Domingo sa National Bureau of Investigation kahapon, Feb. 27, at nakipag-usap kay Atty. Jerome Bomediano, Chief of the NBI-Organized and Transnational Crime Division (NBI-OTCD).
Ibinahagi ng Kapamilya TV host sa kanyang Instagram account ang kanyang pagpunta sa NBI at pagkonsulta tungkol sa paghahain ng complaints.
“ACCOUNTABILITY. I visited the NBI today and met with Chief Bomediano and Atty. Tucay.
Thank you for answering all my questions!” bungad ni Robi.
Inisa-isa rin ng TV host ang kanyang mga natutunan sa pakikipag-usap sa mga NBI people tulad ng:
“1. You can file a complaint against any government agency, especially if your safety is at risk. It’s free to file.
2. Always take screenshots of your complaint and the URL. Even if it’s deleted, the digital trace is still there. (If someone deletes it, it could show intent.)
3. Whether it’s a troll or not, there’s a real person behind the screen, and they are still responsible for their actions.”
Pinaalalahanan din ni Robi ang publiko na maging ‘kind’ and ‘responsible’ sa pagpo-post online.
“Remember, every action has consequences, whether online or offline. Let’s be kind and take responsibility,” paalala ng TV host.
Hindi malinaw kung nag-file na ba siya ng reklamo o kung ano ang kanyang inirereklamo, ngunit matatandaang kamakailan ay sinagot niya ang isang basher na binantaan siya tungkol kina Donny Pangilinan at Kathryn Bernardo na mga judges ng upcoming season ng Pilipinas Got Talent (PGT).
“@iamrobidomingo ay subukan mo lang na i-match si @donny at @bernardokath ready ready and solid supporters ni Belle Mariano na i-bash ka mula ulo mo hanggang paa. ‘WAG MO I-TOLERATE ‘yung KALANDIAN ng peste mong kaibigan,” komento ng basher na deleted na ngayon.
Hindi naman ito pinalampas ng TV host at tila nagbanta rin na magsasagawa ng legal action tungkol dito.
“Can I consider this as a threat? Can I take legal actions against this? I don't tolerate this behavior,” sagot ni Robi Domingo.
Pati mister na si Ion, nagpagamot din…
KIM, NADULAS, IBINUKING NA NAGKA-DENGUE SI VICE
NADULAS si Kim Chiu sa It’s Showtime (IS) last Wednesday at ibinuking na nagkaroon ng dengue si Vice Ganda.
Nagpasalamat kasi si Vice sa isang medical clinic na gumamot sa kanila nu’ng nagkasakit sila ng dyowang si Ion Perez.
“Okey na po ang platelets ko kaya thank you very much, normal na ulit,” sambit ng Unkabogable Star.
Maya-maya ay nagpaalala si Vice sa madlang people tungkol sa kalusugan.
“Madlang people, keep hydrated, please, ha? Napakahalaga ng hydration,” aniya.
Hirit naman ni Kim, “Buti okay ka na ngayon, Ma. Pero kahit may dengue ka, nagtrabaho ka pa rin. Bakit ganu’n?”
Naloka si Vice Ganda at sey niya, “Talagang in-out mo nagka-dengue ako.”
Na-realize naman ni Kimmy na nadulas siya at hindi na nakapagsalita habang si Vice naman ay natawa na lang pero halatang naloloka.
Bawi naman ni Kimmy, “Pero magaling ka na.”
Natatawang sey ni Meme Vice, “Sana alam ko na may dengue ako nang time na ‘yun. Hindi ko nga alam, ‘di ba? Nalaman ko na lang, nasa dulo na, ‘Ay, may dengue pala ‘ko.’”
Wala nang nagawa si Vice na nabuking na ni Kimmy ang kanyang sakit.
“Nasabi na n’ya rin, mag-ingat po kayong lahat,” natatawang sabi ni Vice.
Hirit naman ni Chinita Princess, “Pero, Ma, nakakabilib kasi hindi ka nanghina.”
Sagot naman ni Vice, “Kasi nga, mataas ang immune system ko. Kumpleto ako sa mga bitamina, at saka healthy living na ‘ko.”
Pero tawa pa rin nang tawa si Vice sa pambubuking ni Kim.
“In-out mo talaga,” aniyang laugh nang laugh. Tawa rin naman si Kimmy, although halata ring nabigla siya sa kanyang pagkakadulas.







Comments