top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

‘Wag basta husgahan si Dr. Yumol

BULGAR
Jul 28, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | July 28, 2022


PANG-IISNAB NG MGA EX-PRESIDENTS SA SONA NG MGA HUMALILI SA KANILA SA MALACAÑANG—Sa kabila ng imbitasyon, inisnab ni former Pres. Rodrigo Duterte ang first SONA ng humalili sa kanyang puwesto na si Pres. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.


Normal na ang ganyang isnaban ng mga former president sa mga humahalili sa kanila sa puwesto sa Malacañang kasi noong first SONA ni ex-P-Gloria Macapagal-Arroyo noong July 2004 ay inisnab ito ni ex-P-Erap; samantala noong first SONA naman ni ex-P-Noy noong July 2010 ay inisnab ito ni ex-P-GMA; sa first SONA ni ex-P-Duterte noong July 2016 inisnab din ito ni ex-P-Noy, at ang latest pang-iisnab din ni ex-P-Duterte sa first SONA ni P-BBM noong July 25, 2022.

◘◘◘


PURI AT BATIKOS SA SONA NI P-BBM—Sa first SONA ni P-BBM, marami ang pumuri sa kanyang mga ipinangakong gagawin sa bansa, pero meron din ang bumatikos dahil kulang ang laman ng SONA ng pangulo.


Ganyan naman talaga kada SONA, may pumupuri at may bumabatikos.


◘◘◘


‘WAG BASTA HUSGAHAN SI DR. YUMOL—Matapos ang insidente kung saan napatay ni Dr. Chao Tiao Yumol sa compound ng Ateneo de Manila University sina former Mayor Rosita Furigay ng Lamitan City, Basilan, Victor Capistrano na aide ni Furigay at ang sekyung si Jeneven Bandiola, sinabi ng suspek na kaya lang niya nagawa ang krimen ay dahil walang aksyon ang pamahalaan sa illegal drugs sa Lamitan, kung saan isinasangkot niya ang dating alkalde.


At dahil sa statement ni Yumol ay nakuha niya ang simpatiya ng mamamayan, hinangaan siya at itinuring pang bayani dahil maraming inosenteng buhay ang naisalba sa pagkakamatay ng umano’y protektor ng drug lord.


Bago naman talaga manghusga, kailangan alamin muna ang dahilan kung bakit nga ba nagawa ang isang bagay. Period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page