top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Wa’ trapik sa EDSA, malamang lockdown!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 29, 2021
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | April 29, 2021



SABLAY ANG PABIDA NI TUGADE NA WALANG TRAPIK SA EDSA—Imbes na palakpakan, pinagtawanan pa ng netizens ang ibinida ni DOTr Sec. Arthur Tugade na lumuwag na ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA.


Pagtatawanan talaga si Tugade kasi natural lang namang luluwag ang daloy ng trapiko sa EDSA dahil mula March 29 hanggang April 11 ay naka-ECQ at mula April 12 hanggang April 30 ay naka-MECQ ang Metro Manila, na ibig sabihin ay kaunti lang talaga ang sasakyang dadaan diyan dahil APOR (Authorized Person Outside Residence) lang ang pinapayagan ng pamahalaan na lumabas ng bahay, boom!


◘◘◘


PONDO NG NTF-ELCAC IMBES NA GAMITIN SA RED-TAGGING, GAMITIN NA LANG PANG-AYUDA NG DSWD AT DOLE—Nais ng mayoryang mambabatas na tanggalan ng pondo ang National Task Force-End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at ang pondo nito ay ilipat na lang sa DSWD at DOLE kasi ang palagi raw inaatupag ng dalawang spokesman nito na sina PCOO (Presidential Communication Operations Office) Usec. Lorraine Badoy at Solcom (Southern Luzon Command) chief Gen. Antonio Parlade ay mag-red-tagged nang mag-red-tagged.


Dapat lang! Imbes na sa pagre-red-tagged lang nagagamit ang higit P16 bilyong pondo ng NTF-ELCAC, mas mainam na ilipat na ang pondong ‘yan sa DSWD at DOLE para magamit na pang-ayuda sa mahihirap at manggagawang nawalan ng work, period!


◘◘◘


LEILA DE LIMA VS. SANDRA CAM SA SELDA?—Nagpalabas na ng warrant of arrest ang korte para dakpin at ikulong ng no bail si PCSO (Philippine Charity Sweepstakes Office) Board Member Sandra Cam, sa anak nito at sa iba pang akusado sa pagpatay kay Vice-Mayor Charlie Yuson III ng Batuan, Masbate.


Naku, kapag nahuli at sa selda ni Sen. Leila de Lima ikinulong si Sandra ay baka araw-araw magsabunutan ang dalawang ito kasi mortal na magkaaway ang senadora at PCSO board member, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page