top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Wa’ rin stop ang pagdami ng COVID-19 cases

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 26, 2021
2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | April 26, 2021



Isang bilyong doses na ng anti-COVID vaccine ang naibakuna sa buong mundo.


Pwes, yumaman na nang todo ang mga negosyante!


◘◘◘


PATULOY pa rin ang pagdami ng tinatamaan ng COVID.


Nasaan ang siyensiya at WHO?


Waley!


◘◘◘


MATAGAL nang iniyayabang at ibinababala na may pesteng magaganap nang hindi basta-basta mapipigil.


Natukoy ng mga eksperto na bagong strain ng flu.


Pero, naganap na ang kinatatakutan nang walang bakunang naihanda!


◘◘◘


BAKIT bakuna ang sinaliksik at inilalabas, pero hindi ang gamot?

Kasi’y wala naman talagang gamot ang anumang virus?


Mali ang konteksto ng impormasyon na ikinakalat kaya’t nagugulo ang mga decision makers!


◘◘◘


DAPAT sinaliksik ay hindi lang ang gamot at bakuna, bagkus ay sinaliksik dapat ang epektibong “iskema ng lockdown” nang hindi maapektuhan gaan ang world economy.


Nasabay ang COVID sa pagbubunsod ng 5G signal sa internet!


◘◘◘


DAHIL nasabay ang 5G rollout, napagbintangan ito na kakambal ng COVID scare.


Ibig sabihin, ang radiation na dulot ng 5G signal ay nagpapahina ng immune system!


◘◘◘


ANG radiation ay karaniwang sanhi ng kanser.


At ang kanser ay lumalala kapag mahina ang immune system.


Sintido-kumon, may kaugnayan talaga ang 5G at COVID—at ang common denominator ay ang “immune system” ng tao!


◘◘◘


ANG 5G ang pundasyon ng modernong telecommunications gadgets.


At ang walang patid na paggamit ng gadgets—ay nagpapahina ng immune system—may radiation man o wala!


◘◘◘


MALINAW kung gayon na hindi isyu ang radiation, bagkus ang mas isyu ay ang bagong kultura ng modernong henerasyon ng tao.


Mabubuhay ang kabataan ngayon at sa hinaharap na may mahinang immune system!


◘◘◘


HINDI gamot at bakuna—ang dapat lamang paghandaan, bagkus ay dapat magsaliksik ang mga ekperto kung paano mapasisigla at mapapabulas ang immune system.


Libreng pagkain ang ibinibigay, pero walang pagsusulong ng aktibidad kung paano mapapalakas ang immune system!


◘◘◘


UULITIN natin sa espasyong ito ang matagal na nating binanggit kung paano mapalalakas ang immune system nang hindi kailangang gumastos ng anumang halaga.


Una, ang pamamahinga matapos mapagod o ang pag-iwas na mapagod ay aktuwal na nakatutulong sa malakas na immune system!


◘◘◘


ANG ehersisyo natin ang kontroladong pagkilos, paggalaw o pagpapatibok ng puso at pagpapawis—ay praktis upang lumabas o mag-secrete ang katawan ng mga hormones na kailangan sa panahon na kinikiliti ang immune system.


Mistulang “bakuna” ang ehersisyo, dahil sinasanay nito ang katawan—laban sa mga “sakit” sakaling dumating dahil ang pawis ay makatutulong upang lumabas ang toxins at mapraktis ang lungs at malinis ang lalamunan!


◘◘◘


ANG pagkain ng masusustansiyang pagkain at pag-iwas sa junk foods ay epektibong iskema upang mapabulas ang immune system dahil sa mga mineral na nakapaloob sa mga prutas at gulay.


Ang mga prutas tulad ng saging at mga gulay ay may minerals tulad ng zinc, magnesium, calcium, beta carotene at Vitamin C at iba pang bitamina!


◘◘◘


ANG sikat ng araw ay magbibigay ng Vitamin D at makatutulong upang mabilis na na-absorb ng katawan ang mga mineral mula sa prutas at gulay.


Ang sapat na carbohydrates ay direktang nagbibigay ng enerhiya sa katawan, siyempre makatutulong ito upang bumulas mismo ang immune system!


◘◘◘


MARAMI pang iskema kung paano mapasisigla ang immune system—at ito ang panlaban sa negatibong epekto ng 5G at iba pang modernong gadgets sa ating henerasyon.


Kumbaga, back-to-basic tayo at matatalo natin ang COVID nang hindi kailangan ang lockdown at walang katapusan ayuda mula sa gobyerno at pribadong sektor!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page