Wa’ rin daw sustento… BUBOY, TODO-DENY NA BINUGBOG ANG EX NA NANAY NG 2 ANAK
- BULGAR

- Mar 31, 2025
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Mar. 31, 2025
Photo: Buboy Villar - Instagram
Kung hindi lumantad ang bagong GF ni Buboy Villar na si Isay Sampiano, hindi rin siguro maglalabas ng kanyang mga reklamo at sama ng loob ang dati niyang karelasyon na si Angillyn Gorens, kung saan mayroon silang dalawang anak.
Ibinunyag ni Angillyn na sinasaktan siya ni Buboy noong panahon na sila ay nagsasama, lalo na raw kapag ito ay lasing. Kaya nang hindi na niya matiis ay nakipaghiwalay na siya sa aktor.
Isa pang inireklamo ni Gorens ay ang hindi pagbibigay ng sustento ni Buboy sa dalawa nilang anak.
Ang mga magulang ni Gorens ang nag-aalaga sa 2 anak niya nang magtrabaho siya sa USA. At nalaman niya na hindi nga nagbibigay si Buboy ng sustento sa dalawang bata.
Samantala, sa interview kay Buboy V. noong presscon ng Samahan ng mga Makasalanan (SNMM), itinanggi ni Buboy ang isyu tungkol sa diumano’y pananakit niya sa dating karelasyong si Angillyn at may agreement daw sila ng mga magulang nito para sa sustento ng dalawang anak.
Well, hindi maganda ang magiging impresyon ng publiko sa pagkatao ni Buboy sa akusasyong ito ng dating karelasyon. Mas marami pa rin ang maniniwala at makikisimpatya kay Angillyn Gorens dahil babae siya.
Ang dapat na lang gawin ngayon ni Buboy Villar ay bumawi sa kanyang mga anak at ayusin ang pagbibigay ng sustento.
Kayang mabuhay nang wala sa showbiz…
JOHN LLOYD, WALA PA SA MOOD NA BUMALIK SA PAG-ARTE
Nagpa-release na ng kontrata sa Crown Management si John Lloyd Cruz (JLC). It seems wala pa rin siya sa mood na lumabas sa telebisyon at pelikula. Ine-enjoy pa niya ang kanyang indefinite leave sa showbiz.
Masaya si JLC sa kanyang tahimik na buhay sa likod ng kamera. Tutal, may sapat naman siyang ipon at mabubuhay siya nang maginhawa kahit ilang taon pa siyang hindi tumanggap ng project.
Maayos naman na nag-usap sina Maja at John Lloyd nang magpa-release siya ng kontrata sa Crown Management.
Well, nagtatanong naman ang mga fans kung ano ang plano ni JLC ngayong pahinga ang kanyang showbiz career? Magpapakasal na ba sila ng kanyang GF na isang pintor?
Labis naman na nanghihinayang ang mga netizens dahil magaling na aktor si JLC. Hindi pa rin bumababa ang kanyang popularidad.
Samantala, maraming fans ang naghihintay sa reunion movie nila ni Bea Alonzo. Bakit kaya biglang tinabangan sa kanyang buhay-artista si John Lloyd Cruz?
GUSTONG tularan ni Carmi Martin ang aktor na si Dennis Trillo kaya tumatanggap siya ngayon ng offbeat role, tulad ng kanyang character bilang si Madam Chona sa seryeng Ang Himala Ni Niño (AHNN) na mapapanood sa TV5, 11:15 AM bago mag-Eat… Bulaga! (EB!).
Markado sa mga viewers ang kanyang role, kaya nagtatanong ang mga ito kung bakit bad girl na ngayon si Carmi Martin?
Dati kasi ay sexy comedy ang ibinibigay sa kanyang role. Pero ngayon, mas gusto na ni Carmi na maging magaling na “character actress”. Gusto niyang patunayan na kaya niyang gampanan ang lahat ng klaseng roles na ibibigay sa kanya.
Thankful si Carmi Martin sa MQuest Ventures at TV5 sa pagkakasama niya sa seryeng AHNN, at ikinatuwa rin ni Carmi na kasama rin sa cast ang veteran actor na si Freddie Webb.
Magkatambal sila noon ni Freddie sa sitcom na Chicks to Chicks (CTC) na tumagal ng 14 years.
Pawang mahuhusay umarte ang mga artistang kasama sa cast. Pinuri rin ni Carmi ang MQuest Ventures at Cornerstone dahil sa respetong ibinibigay sa mga senior stars na kasama sa AHNN. Nararamdaman daw nila ang ibinibigay sa kanilang importansiya.
Two weeks na lang eere ang AHNN at maraming kaganapan ang dapat na abangan.
MARAMING viewers ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition ang nakahinga nang maluwag nang na-evict na sa Bahay ni Kuya ang Kapuso actress na si Ashley Ortega at ka-tandem na si AC Bonifacio.
Marami na ang naaawa kay Ashley dahil sa bigat ng dinadala niyang problema sa tampuhan nila ng kanyang ina. Halos araw-araw ay iyak nang iyak si Ashley sa tindi ng emotional stress na kanyang pinagdaraanan, habang nasa loob siya ng Bahay ni Kuya.
Nag-open-up na rin siya dati kay Ivana Alawi.
Ganunpaman, marami namang mga viewers ang labis na nanghinayang na na-evict agad si Ashley. Malakas pa naman ang kanyang dating at kasundo niya ang lahat ng mga housemates.
Anyway, may magandang kapalit naman ang pagkaka-evict kay Ashley dahil nagkabati na sila ng nakatampuhang ina. Pinadalhan si Ashley ng isang madamdaming sulat ng kanyang mommy. Napaiyak si Ashley nang sabihin ng kanyang ina na matagal na siyang pinatawad nito.
At ngayon, nakalabas na siya sa PBB house, makakasama na ni Ashley Ortega ang kanyang mom.










Comments