top of page

Kapag kay Ria raw ginawa… PAMBABASTOS NI CONG. SUNTAY KAY ANNE, ‘DI UUBRA KAY ZANJOE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 4 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 11, 2026



Bong Suntay at Zanjoe Marudo - RTVM - IG

Photo: Cong. Bong Suntay at Zanjoe Marudo - RTVM - IG



Super worth it, ‘ika nga, ang pagbabalik ni Angelica Panganiban sa paggawa ng serye matapos ang box office hit film din nila ni Zanjoe Marudo na Unmarry last December 2025 bilang bahagi ng Metro Manila Film Festival.


Ipinapanood na kahapon sa mga press at vloggers ang balik-tambalan nina Angelica at Zanjoe Marudo sa isang Prime Video series na magsisimula na sa March 20, ang The Silent Noise.


First episode pa lang ang napanood namin pero parang gusto na naming tapusin ang 10 episodes at ayaw na naming bitawan dahil curious kami at naiintriga kung nag-suicide nga ba ang karakter ni Mylene Dizon o may nagtulak sa kanya sa bangin na dahilan kaya tegi agad ang role niya.


Kahit si Angelica nga mismo, aminadong very challenging ang role niya rito kaya hindi naging mahirap para sa kanya na mapapayag na gawin ang serye, lalo't ang katambal pa niya ay si Zanjoe na sobrang komportable na siyang katrabaho.


Mag-asawa uli ang role nila rito at mga anak nila sina Zaijian Jaranilla, Mutya Orquia at ang baguhang child star na si KD Omalin na gumaganap bilang deaf, at kahit hindi naman pipi in real life, ang galing mag-sign language kaya iisipin mo talagang deaf siya.

Anyway, nakausap namin si Zanjoe after the mediacon at natanong nga namin ang stand niya sa controversial issue ngayong pambabastos sa kapwa aktres na si Anne Curtis, lalo't ang role niya sa The Silent Noise ay mapagmahal na asawa at ama.


Nag-isip muna si Zanjoe at saka sumagot na hindi lang naman si Anne o sino pa mang babae ang dapat inirerespeto kundi lahat ay dapat bigyan ng respeto, mapa-babae o lalaki, bata o matanda.


Asked namin kung ano ang magiging reaksiyon niya kung halimbawang ang misis niyang si Ria Atayde ang pinagnasaan nitong si Cong. Bong Suntay. Ano ang puwede niyang magawa bilang mister?


Nangiti muna si Zanjoe at saka pabirong sumagot ng, “I don't think may gagawa sa akin nu'n.”

But kidding aside, aniya, “Depende, depende sa sitwasyon, ‘di ba? Kung talagang mali, magre-react ka din, ‘di ba? Depende. Mahirap magsalita sa sitwasyon na wala ka naman sa posisyon na ‘yun.” 


Samantala, sa March 20 na nga magsisimulang mapanood ang The Silent Noise na produced ng ABS-CBN Studios at ieere sa Prime Video kung saan kasama rin sa cast sina Joem Bascon, Karina Bautista, Tommy Alejandrino, Ramon Christopher Gutierrez, Joel Saracho, Junjun Quintana, Kakki Teodoro at Ralph Malibunas.

Mula ito sa direksiyon ni Direk Onat Diaz.




Utol nina Arjo at Ria…

ZAIJIAN, NAGSALITA NA SA RELASYON KAY GELA



NAKATSIKAHAN din namin sandali after ng mediacon ng The Silent Noise si Zaijian Jaranilla na very thankful dahil halos hindi nawawalan ng projects sa Kapamilya.


Heto nga't kasama na naman siya sa bagong mystery drama series nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo at maganda rin uli ang kanyang role.


Pero bukod sa magandang showbiz career ni Zaijian, ang sumikat na child star sa seryeng May Bukas Pa, mukhang masaya rin ang love life nito dahil balitang may relasyon na sila ng isa pang anak ni Ms. Sylvia Sanchez bukod kina Arjo at Ria Atayde na si Gela Atayde.


Kaya naman, diretsahan na naming tinanong si Zaijian tungkol sa kanila ni Gela, pero mukhang nabigla ito at hindi pa yata handang umamin kaya ang sagot lang sa amin ay, “Secret!”


Naku, ayaw ni Bro ng ganyan! Charot! Hahaha!





MATAPOS ang very successful first Tiktok competition na isinagawa ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (#FFCCCII) last year, muli nitong ibinabalik ang patimpalak upang magbigay ng pagkakataon sa mga kabataan at ilan pang indibidwal na maipakita ang kanilang pagkamalikhain sa paggawa ng video presentation na magpapakita ng magandang ugnayan ng mga Pilipino at mga Tsinoy.


Sa ini-launch na “Part II: A Classroom for Every Dream – How FFCCCII Barrio Schools Have Improved Lives” ng FFCCCII nu'ng Lunes sa Kamuning Bakery sa pangunguna ng presidente nitong si Mr. Victor Lim, ini-announce na a total of P850,000 total cash prizes ang handa nilang ipamigay sa mga mananalo sa contest.


Ayon kay Mr. Lim, "For more than six decades, the Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) has been building Barrio Schools across the Philippines—constructing over 6,500 public school buildings nationwide since 1961 and opening doors to education and opportunity for countless communities."


At ito nga ang magiging tema ng Tiktok competition this year kung saan ang mga estudyante sa mga barrio na edad 18 pataas ay puwedeng sumali at gumawa ng orig concept. 

May dalawang categories ang contest kaya kahit ‘di mga estudyante at basta naging bahagi ng mga barrio schools ay puwede ring sumali.


Ang deadline ng submission ay sa May 15, kaya ‘yung mga magagaling na filmmakers sa mga barrrio schools na hindi nabibigyan ng chance sa malalaking festival, chance n'yo na ito para makasali at makilala ang inyong magagandang konsepto.


Ang official posting period ng Tiktok contest ay from May 5 to May 15, 2026.

See poster or scan the QR code na makikita sa FFCCCII page to view the full mechanics and register.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page