Dati raw, talakera lang… ALEX, PROUD NA COVER NA NG SOSYAL NA MAGAZINE ANG MISIS
- BULGAR

- 4 days ago
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 11, 2026

Photo: IG @bmalexcastro
Sa kabila ng paglabas ng marriage banns nina Bea Alonzo at Vincent Co sa St. Peter the Apostle Parish Church, may ilang reliable source ang nagsasabing may kasalang magaganap din sa Spain sa May 8, 2026.
Gayunman, posible raw na maunang magpakasal sa simbahan sina Bea at Vincent bago ang kasal nila sa Spain.
Kaya abangers na lang ang mga fans ni Bea sa mga susunod na kaganapan at kung may detalye pang ilalabas ang kampo ng aktres tungkol sa kanyang pagpapakasal.
Tiyak na bongga at Wedding of the Year ang magaganap dahil bilyonaryo ang mapapangasawa ni Bea.
Aabangan din ng lahat kung sinu-sino ang kukunin nilang entourage sa kanilang kasal, sinu-sino ang tatayong mga ninong at ninang, at higit sa lahat, kung may prenup agreement ba sila.
Well, tradisyon na sa mga Chinese ang pagkakaroon ng prenup agreement lalo na kung may malalaking negosyo ang groom. Bentahe rin naman ito kay Bea dahil marami rin siyang properties na naipundar.
TAMA lang ang hindi pagpatol ni Bulacan Vice-Gov. Alex Castro sa mga patutsada sa kanya ni Alvin Aragon, mister ni Izzy Trazona, isa sa original na Sexbomb Girls.
Sinita ni Alvin si VG Alex kung bakit pinayagan nitong magsuot ng sexy outfits si Sunshine Garcia sa ginanap na reunion concert ng Sexbomb Girls. Takaw-tukso raw ito sa mga kalalakihang nanonood ng concert.
Mabuti na lang at hindi pikon si VG Alex at hindi na siya nag-comment pa. Para sa mister ni Sunshine, hindi bastos ang mga outfits ng Sexbomb at maganda ang feedback ng lahat sa reunion concert. Kasama pa niya ang kanilang mga anak ni Sunshine nang manood ng reunion concert.
Samantala, proud na proud siya nang maging cover sa Preview Magazine ang grupo ng misis. Ang dati raw niyang talakerang misis ay covergirl na sa isang sosyal na magazine.
At dahil sa kasikatan ngayon ng Sexbomb, may ilang grupo na kumukumbinse kay Sunshine na tumakbong mayor sa isang bayan ng Bulacan. Maging ang isa nilang anak ay pinapapasok na rin sa pulitika.
Pero tutol si VG Alex sa political dynasty. Hindi papasok sa political arena ang sinumang miyembro ng kanilang pamilya.
Super rich ng family…
CAPRICE, BAGONG HEART
MALAKI ang potensiyal na sumikat pa nang husto ang Kapuso Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 (PBBCCE2.0) grand winner na si Caprice Cayetano.
Bukod sa artistahin ang kanyang porma, mabait, grounded, marunong makisama at game siya sa kahit anong challenge na ipagawa sa kanya.
Nakikita rin ang kanyang determinasyon na maabot ang kanyang pangarap sa showbiz.
At kahit galing siya sa mayamang pamilya, low profile pa rin siya at walang ere. Hindi siya bratty girl.
Nakikita namin kay Caprice sina Heart Evangelista at Gabbi Garcia na kahit likas na may kaya sa buhay ay hindi ipinadama nang pumasok sila sa showbiz. Maging ang parents ni Caprice ay hindi umaastang mega-rich. Napaka-down-to-earth nila at iyon ay namana niya.
Tiyak na hindi lalaki ang ulo ni Caprice kapag sumikat na siya nang husto. Sana ay mabigyan siya ng GMA Network ng magagandang proyekto upang mahasa pa nang husto ang kanyang talento sa pag-arte.
Kailangan din ni Caprice Cayetano na mag-aral sumayaw at kumanta dahil makakatulong ito sa kanyang career.
MAY mali sa paggamit ng Ilocano term na ‘dugyot’ na ipinatutungkol ni Jasmine Curtis-Smith kay Atty. Ferdinand Topacio.
Nag-comment kasi si Atty. Topacio tungkol sa issue na kinasangkutan ni Cong. Bong Suntay at binanggit si Anne Curtis.
Maraming kababaihan ang nabastusan sa naging pahayag ni Cong. Suntay. Pero nakahanap siya ng kakampi kay Atty. Ferdie Topacio. Wala raw malisya kung nagpahayag man ng paghanga si Cong. Suntay sa aktres na si Anne.
Kaya binuweltahan siya ng kapatid ni Anne na si Jasmine Curtis-Smith at tinawag siyang ‘dugyot’.
Well, ang Ilocano term na dugyot ay nangangahulugang untidy, marumi o gusgusin. Kaya mali ang term na ginamit ni Jasmine Curtis. Hindi naman mukhang dugyot si Atty. Topacio. May mali lang sa pagpanig niya kay Cong. Bong Suntay at sa pagsasabing walang masama kung humanga man at magpantasya ang isang lalaki sa kagandahan ng isang babae tulad ni Anne.




Comments