Wa' raw social distancing, 'di rin nag-swab test… PAMILYA AT MGA BISITA SA B-DAY PARTY NINA JULIA
AT GERALD, NAHAWA NG COVID
ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 20, 2021

May nagparating sa amin ng balitang COVID positive raw ngayon ang mga Kapamilya stars na sina Liza Soberano, Julia Barretto at Gerald Anderson.
Asked namin ang source kung kanino sila nahawa at ang sagot sa amin, sa stylist daw.
Nag-message kami agad kay kapatid na Ogie Diaz thru Facebook Messenger para i-confirm ang balitang nakarating sa amin kung true or fake, pero as we write this, hindi pa sumasagot sa amin si Ms. O.
Pero prior to this, may nabasa na rin kaming article sa tribune.net.ph na lumabas four days ago na ayon din daw sa source ng balita, nagkaroon ng hawahan ng COVID sa nakaraang birthday party nina Gerald at Julia na ginanap sa private resort ng actor sa Zambales.
Diumano, hindi sumailalim sa COVID test ang mga dumalo sa naturang birthday party, bukod sa hindi rin daw nasunod ang mga safety protocols kung saan dapat, bukod sa social distancing ay nakasuot sila ng face mask at face shield.
Well, sabagay, makikita rin naman sa na-upload at nag-viral na video kung saan nakita pa ngang nag-lips-to-lips sina Julia at Gerald na wala ngang suot na face mask at face shield ang mga nasa party.
Nang una naming makita 'yun, inisip naming baka naman nag-swab test ang mga present sa party dahil bukod sa intimate event lang naman 'yun kung saan family members at ilang close friends lang ang nandu'n including my Papa Piolo Pascual (inangkin daw talaga ni Ateng, oh! Hehe!), eh, kering-keri at afford naman siguro nilang mag-undergo sa swab test, 'no!
Kaya lang, ayon nga sa balitang lumabas, ilang araw matapos ang naturang party, isang guest ang nakaramdam na magkakasakit siya kaya nagpa-test at ayun nga, nag-positive raw kaya nagsunuran na ring magpa-test ang iba at nalaman nga raw na marami ang nahawa.
So far daw, nag-self-quarantine na 'yung iba, na ewan lang kung kasama ang pamilya ni Julia including her Mom Marjorie and sisters Dani and Claudia.
Well, kung sakali mang positive nga sila, let's just hope and pray na mild lang o asymptomatic at malagpasan nila ang mapamuksang veerus na itey!





Comments