top of page
RUN WILD - BARBIE, NAPABILIB SI ALDEN SA PAGIGING WILD-IG _barbaraforteza.jpg

Wa’ raw ‘K’ dahil ‘di naman ina… HEART, NAGBIGAY-PAYO TUNGKOL SA ANAK, SOPLA SA MGA NETIZENS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 15
  • 3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | June 15, 2026



Heart Evangelista - IG

Photo: Heart Evangelista / IG



Mainit talaga ang mata ng ilang netizens kay Heart Evangelista dahil sa pagiging misis ni Sen. Chiz Escudero na isinasangkot din sa isyu ng flood control scam. 

Kaya naman kahit ano'ng gawin at sabihin ni Heart ngayon, meron at merong nasasabi ang mga galit sa kanya.


Tulad na lang ng naging opinyon ni Heart sa nakaraang episode ng The People Have Spoken last Saturday tungkol sa smart parenting, ginawa na naman itong big deal ng iba at may mga personal na banat sa host ng Kapuso show.


Prangka kasing sinabi ni Heart na naniniwala siyang hindi dapat agad pakasalan ng lalaki ang babae kahit pa nabuntis ito. Mas mahalaga raw ang kapakanan ng bata at ‘yun ang dapat unahin.


May punto naman si Heart lalo't maraming marriages ngayon ang nasisira dahil napapasubo lang ang iba kapag nakabuntis na.


Pero ang ibinatong isyu kay Heart ng ilang galit sa kanya, wala raw karapatan ang misis ni Sen. Chiz na magsalita about smart parenting kung hindi pa naman daw ito ina at never pang nagkaanak.


Dapat daw ay nag-play safe na lang ang host o kaya ay hindi na nagbigay ng opinyon sa bagay na wala naman daw itong alam.


Well, hindi man natuloy ang pagiging mommy ni Heart nang ilang beses, tumatayo naman itong ina sa kambal na anak ng mister kaya may karanasan na rin ito kahit paano sa pagkakaroon at pagpapalaki ng mga anak.


As of now, dedma na lang si Heart sa mga bashers niya. Ang mahalaga, relevant at pinag-uusapan siya at mas nagiging interesting panoorin ang kanyang show sa GMA-7.





Buking sa motif sa baby shower…

ALEX, OBYUS NA BABY BOY ANG UNANG ANAK



NAGPA-BABY shower na pala ang mag-asawang Alex Gonzaga at Lipa Vice-Mayor Mikee Morada na siyempre pa ay dinaluhan ng kanilang family and close friends.


Sa motif pa lang ng background na kitang-kitang kulay blue, naghulaan na agad ang mga netizens na baby boy ang ipinagbubuntis ng younger sister ni Toni Gonzaga.


Malakas din ang paniwala ng marami na boy dahil sa laki at hugis ng tiyan ni Alex na patulis.


May ilan namang nagwi-wish na kambal na sana para isang irihan na lang at pareho na sila ng kanyang Ate Toni na dalawa ang anak.


Well, as we write this ay hindi pa inia-announce ng mag-asawa ang gender ng kanilang first baby. Pero kahit anong gender pa ‘yan, ang mahalaga ay maging healthy ang bata at maging safe ang delivery ni Alex Gonzaga.





Baby bump, nag-hello…

SUE, PINAGPIYESTAHANG BUNTIS KAY DOMINIC



SPEAKING of baby bump, pinagpiyestahan din ng ilang Marites at Mosang online ang nai-post na picture ni Sue Ramirez sa social media kung saan may mga nakapansin na medyo malaki ang tiyan nito.


May mga nag-isip agad na baka buntis na si Sue courtesy of boyfriend na si Dominic Roque.


Matagal na rin naman daw kasing sinasabi ni Sue na gustung-gusto na talaga niyang magka-baby.


May ilang showbiz friends nga rin ni Sue ang naintriga at akala nila ay buntis na talaga siya.


Pero ang totoo pala, picture lang ito ng karakter ni Sue sa latest Regal Entertainment project nila ni Rico Blanco na Project Baby na showing in cinemas nationwide na.

So, part of the promo lang pala, kaya naudlot tuloy ang saya ng mga umaasang magkaka-baby na sila ni Dominic Roque.

Oh… well….

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page