top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Wa’ paki sa pandemya… Mga ‘buwaya’ sa gobyerno, kickback is life!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 22, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | January 22, 2021



KAHIT MAY PANDEMYA, PURO KICKBACK PA RIN ANG MGA BUWAYA—Pumalo na sa mahigit kalahating milyong Pinoy ang tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas at sa mga nagka-virus, mahigit sampung libo na ang namatay.


Ang nakakabuwisit, sa kabila nito, ang nasa isip pa ng ilang buwaya sa gobyerno ay kung paano magka-kickback sa pagbili ng bakunang pangontra sa virus!


◘◘◘


WALA RAW OVERPRICING PERO P3, 629.50 ANG ITINALANG PRESYO NG SINOVAC—Sabi ni vaccine czar, ret Gen. Carlito Galvez, Jr., wala silang ginawang overpricing sa pagbili ng Sinovac na made in China.


Ganu’n? Eh, bakit P3, 629.50 ang itinalang presyo ni Health Sec. Francisco Duque III sa isinumite niyang halaga ng mga bakuna sa Senado gayung P650 lang pala ang presyo nito sa China?


Mabuti na nga lang naging mareklamo ang mamamayan sa sobrang mahal na presyo ng Sinovac at sa pagsasabi ng Indonesia na P650 lang ang presyo nito kasi kung hindi nabulgar ang totoong halaga nito, 100% nadugasan ng mga “buwaya” ang taumbayan, boom!


◘◘◘


HINDI DAPAT PINATULAN ANG HIRIT NA EXECUTIVE SESSION NI GALVEZ KASI PERA NG BAYAN ANG IPAMBIBILI NG BAKUNA—Sa totoo lang, hindi dapat pinatulan ng mga senador ang hirit na executive session ni Galvez na executive session sa tunay na presyo ng Sinova.


Pera kasi ng taumbayan ang involve sa bilihan ng bakuna kaya’t dapat hindi ginagawang secret ang usapan d’yan dahil may “K” ang mamamayan na malaman ang presyo at magiging discount sa bibilhing COVID-19 vaccines, period!


◘◘◘


P-DUTERTE, ANG HILIG SA SECRET—Handa raw si P-Duterte na unang magpabakuna kapag dumating na sa Pilipinas ang bakuna, pero may kondisyon siya, secret ang gagawing pagbakuna — hindi naka-televised tulad ng ginawa ng ibang lider ng mga bansa na tutok ang media sa pagbakuna sa kanila.


Hilig talaga ni P-Duterte sa secret. Isipin ninyo, secret na ang SALN (Statement of Assets, Liabilities and Networth), secret pa ang pinagkagastusan ng bilyun-bilyong intelligence fund, tapos secret ang presyo ng bakuna, at ngayon ay pati ang gagawing pagbakuna sa kanya, secret pa rin? Edi wow!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page