top of page

Wa’ paki sa KathDen fans… BARBIE, TODO-KANDONG KAY ALDEN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 5 hours ago
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 16, 20255



Photo: Alden Richards - Barbie Forteza - IG


Binigyan ng malisya ng ilang netizens ang lumabas na larawan ni Barbie Forteza na nakakandong kay Alden Richards.


Nakunan ang nasabing larawan sa ginanap na fundraising fun run sa Mall of Asia Grounds na inorganisa ni Alden, kung saan ang proceeds ay ido-donate sa Mowelfund. 

Sumali sa nasabing fun run ang mga kaibigan at tropa ni Alden na sina Barbie Forteza, Kristoffer Martin, atbp..


Naging sentro ng usapan ng ilang netizens ang pagkandong ni Barbie kay Alden dahil sa naging reaksiyon noon ng publiko sa pagkandong ni Kyline Alcantara sa dating nobyong si Kobe Paras. 


Ganunpaman, iba naman daw ang sitwasyon nina Barbie Forteza at Alden Richards, buddy-buddy sila at matagal nang magkatropa.


Walang anumang malisya para kay Barbie ang pagkandong niya kay Alden. Hindi ‘yun dapat bigyan ng kahulugan dahil wala silang personal na relasyon sa isa’t isa. 


Pero tiyak na pagseselosan si Barbie ng mga fans ni Kathryn Bernardo at ng mga loyal fans ni Alden Richards, at magre-react din ang mga BarDa (Barbie at David Licauco) fans.



Maraming nagtataka at nagtatanong kung bakit hindi sinipot ng Star for All Seasons ang kanyang proklamasyon bilang gobernador ng Batangas. Si Finance Sec. Ralph Recto at bunso nilang anak na si Ryan Christian ang nag-proxy kay Ate Vi.


May balitang sobrang depressed at nagdamdam si Gov. Vilma nang hindi pinalad na manalong vice-gov. ang anak niyang si Luis Manzano. 


Bago mag-eleksiyon at noong kasagsagan ng campaign season, nakiusap si Vilma Santos sa mga kababayan na iboto at suportahan ang kanyang anak na si Luis “Lucky” Manzano. Pero sad to say, hindi nakalusot si Lucky.


Labis itong dinamdam ni Ate Vi. Alam niya kung gaano rin dinamdam ni Luis ang kanyang pagkatalo sa unang sabak niya sa pulitika. Mahal na mahal ng Star for All Seasons ang anak, kaya agad niya itong dinamayan at binigyan ng moral support.


Maraming nanay ang nakakaintindi kung hindi man sumipot si Vilma sa kanyang proklamasyon. Masakit sa isang ina na makitang bigo ang kanyang anak sa pangarap nitong posisyon. 


Ganunpaman, lilipas din ang lahat at magagawang tanggapin ito ni Luis Manzano at makaka-move on din sa tulong ng mga kaibigan at mga mahal sa buhay.



MALUWAG sa dibdib na tinanggap ni Bong Revilla, Jr. ang kanyang pagkatalo sa katatapos lang na eleksiyon.


Walang bitterness at panunumbat sa kanyang puso pero labis na ipinagtaka ng marami ang hindi pagkakapasok ni Bong Revilla sa Top 12 Senators. 


Sa mga naunang lumabas na surveys ay laging kasama si Bong sa Top 12 senatoriables.

At ang sipag-sipag ni Bong na mag-ikot sa kanyang pangangampanya, kaya marami ang nagsasabing tiyak na panalo na siya. 


Pero ‘yun nga, hindi siya pinalad at kinapos sa boto.


Labis itong ikinalungkot ng libu-libong supporters ni Bong Revilla, Jr., lalo na’t napaka-hardworking at dedicated niya sa kanyang trabaho bilang senador. 


Well, sey niya, maaaring may ibang plano ang Diyos para sa kanya, kaya hindi siya nanalo ngayon. Binati rin ni Bong Revilla ang 12 senators na nanalo.


Sa kanyang farm sa Cavite nanatili si Bong pagkatapos ng eleksiyon noong May 12 upang makabawi sa pagod at makapagpahinga. 


At ngayong hindi na siya gaanong busy sa kanyang pagiging public servant, mas may time na siyang makasama at maka-bonding ang kanyang mga cute na apo. 


May dapat pa rin daw siyang ipagpasalamat sa Diyos dahil pare-parehong nanalo si Congw. Lani Mercado at ang mga anak nilang sina Jolo at Ram Revilla.



Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page