Wa' paki kahit wala na sa TV… SERYE NI COCO SA DOS, TULOY PA RIN
- BULGAR

- Sep 12, 2020
- 3 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | September 12, 2020

Kitang-kita ang excitement ng mga fans sa Instagram account ng Kapamilya star na si Tony Labrusca para sa pagsasapelikula ng sikat na digital series niya with JC Alcantara, ang Hello Stranger.
Kinumpirma ng ABS-CBN Head of Entertainment na si Direk Lauren Dyogi sa recent vlog niya on his YouTube channel na magkakaroon na ng movie version ang hit na hit na BL (boy love) series sa digital platform ng Kapamilya Channel.
"Pati po ang ABS-CBN Films and Star Cinema ay patuloy sa paggawa ng iba't ibang programa. Katatapos lang po ng digital series na Hello Stranger, pero abangan ninyo po ang pelikula ng Hello Stranger na pangungunahan siyempre nina Tony Labrusca at JC Alcantara," pag-aanunsiyo ni Direk Lauren.
Sa Instagram ni Tony ay aligaga agad ang mga fans niya nu'ng mabalitaan na may plano ang ABS-CBN na magkaroon ng movie version ang Hello Strangers.
At hindi lang ang Hello Stranger ang movie project na pinagkakabisihan ni Tony sa gitna ng pandemya. Nag-resume na rin siya ng shooting para sa horror movie nila ni Kim Chiu na kasama rin si JM de Guzman, ang UTurn.
By this time, natapos na marahil sina Kim, JM at Tony at nakalabas na sa hotel na tinuluyan nila for almost a week para sa lock-in shoot ng UTurn.
According to a source, busy naman si Tony ngayon sa pagte-taping para sa bagong teleserye ng Kapamilya Channel, ang Cara Y Cruz starring Julia Barretto.
Wow, huh, kung ano'ng hot ni Tony sa kaseksihan ng kanyang katawan, ganu'n din siya kainit sa mga fans. Sino'ng hot male star today ang may ganito karaming projects during this time of pandemic?
To think na wala pa sa free tv ang ABS-CBN and yet, bising-busy pa rin si Tony sa mga proyekto niya sa Kapamilya channel.
In fairness sa ABS-CBN, kahit nawalan na ng prangkisa at ang latest ay tuluyan nang binawian ng frequency ng NTC, nagkaroon ng malawakang retrenchment ng mga empleyado at krisis na dulot ng covid 19, hindi pa rin tumitigil ang Kapamilya Network sa pagbibigay-serbisyo at entertainment sa ating mga kababayan.
Patunay lang 'yan na 'di lang sa salita pero more on sa gawa ang ABS-CBN sa kanilang motto na "In the service of the Filipino."
Kaya naman overwhelming pa rin ang makikitang respond ng bayan sa kanila with the million views and subscribers na nakukuha nila sa kanilang mga palabas sa digital platforms.
Imagine, nawala na sa ere pero umaariba pa rin ang mga programa ng ABS-CBN gaya ng FPJ's Ang Probinsyano ni Coco Martin, It's Showtime, ang katatapos lang na serye ni Kim Chiu na Love Thy Woman at Ang Sa 'Yo ay Akin.
At sa kabila ng papalit-palit na MECQ, MGCQ, GCQ, etc., tuluy-tuloy pa rin ang paggawa nila ng mga bagong shows at pelikula. Take note, wala silang rehash na show ngayon sa lahat ng kanilang digital platforms, huh? Lahat, "fresh!"
May matatapos na serye, may nakaabang agad na bago. At may mga nakapila pa, 'kalokah!
Pati mga talk shows nila sa digital, humahataw din sa views. At may mga bago pang nadagdag bukod sa Magandang Buhay gaya ng I Feel U ni Toni Gonzaga na nasa Season 2 na at bagong talk show na Ask Angelica hosted by Angelica Panganiban na magsisimula na sa September.
Taray ni Angelica, 'di ba, talk show host na rin!
At kahit wala na sa ere ang ABS-CBN, naipalabas at nakapag-produce pa sila ng mga bagong champion sa talent show nila na The Voice Kids. May pa-Star Hunt pa sila para sa tatanghaling Bida Star.
Hay, talagang nakakabilib ang ABS-CBN. Imbes na mawalan ng gana at magmukmok na lang, eh, sumabay sila sa ikot ng mundo at patuloy silang lumalaban sa hamon ng sunud-sunod na pagsubok.
They still find ways at sinisikap na magpatuloy pa rin sa pagbibigay-aliw at serbisyo sa taumbayan.





Comments