top of page
BIDA - JIM PAREDES, MINURA ANG 13 SENATORS NA NAGPATALSIK KAY SEN. TITO BILANG SENATE PRES

Wa’ paki kahit may mga BFF pa… JIM PAREDES, MINURA ANG 13 SENATORS NA NAGPATALSIK KAY SEN. TITO BILANG SENATE PRESIDENT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2h
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | May 14, 2026



BIDA - JIM PAREDES, MINURA ANG 13 SENATORS NA NAGPATALSIK KAY SEN. TITO BILANG SENATE PRESIDENT-IG _jimparedes

Photo: IG _jimparedes




Sumusuweldo raw pero absent sa Senado…

BELA, BINANATAN SI SEN. BATO


Dalawa sa mga aktres na hindi takot magsalita at magpahayag ng saloobin sa mga political issues ay sina Bela Padilla at Janine Gutierrez. 


Sa latest post sa X (dating Twitter) ng dalawa, pareho nilang pinasaringan si Sen. Bato dela Rosa, hindi nga lang binanggit ang pangalan nito.


Nag-tweet si Janine ng “Wow! Now he’s saying he’s a Filipino and he needs our support. What about all the Filipinos and families that were victims of your EJK (extra judicial killing)? They deserve justice. The Filipino deserves better.”


Nagpasalamat ang mga netizens kay Janine for showing concern sa mga ordinaryong mamamayan. Hindi lang maiwasan na may basher kahit sa tweet na ito ni Janine at pinasukan ng isyu nina Kim Chiu at Paulo Avelino.


Matapang din ang tweet ni Bela na kinol-out ang pagsigaw ni Sen. Bato sa nagtanong na babae kung bakit nasa Senado siya. 


Tanong ni Bela, “Who gave that man the right to shout at a woman calmly asking him questions that are valid. Senator, bakit ka nandito? Yes, we’d like to know. Ikaw na nga nagsabi na sumusuweldo ka. So, nasaan ka recently? Sumusuweldo ka nang ‘di ka pumapasok, okay ba ‘yun?”


In fairness, maraming celebrities ang nagsasalita sa isyu ni Sen. Bato at sa 13 senators na bumoto para ma-oust si Tito Sotto bilang Senate President. 


Si Jim Paredes nga, minura ang 13 senators at wala siyang pakialam kahit may kaibigan siya sa mga ito at marami ang nakimura sa kanya.





Kahit P9K pa raw ang halaga… 

ASHLEY, NANOOD NG BASKETBALL GAME NA PANTULOG ANG SUOT, NILAIT



Ipinost ng netizen ang OOTD (outfit of the day) ni Ashley Ortega nang manood ng basketball game sa SM Mall of Asia (MOA) Arena. 


Pantulog daw ang suot ng aktres ng Apoy sa Dugo (ASD) na dapat sa bahay lang isinusuot at hindi inilalabas.


May nagtanong pa kung ito raw ba ang susunod na pauusuhin. 


Sey ng isang netizen, “Pantulog ‘pag lalabas... para siguro sleep na diretso pag-uwi. Awts, aray n’yo... and bangs din. Ganyan ang nangyari sa bangs ko nu’ng bata ako, ako lang naggupit.”


May nag-comment pa na malapit daw siya sa puwesto nina Ashley at Cassy Legaspi at ang tingin niya kay Ashley sa suot nito, parang bagong gising na bumangon at umalis agad nang hindi nagbibihis.


May nagtanggol kay Ashley, Olivia Rodrigo-inspired daw ang outfit ng aktres at kahit si Taylor Swift, nagsusuot ng parang pantulog at lumalabas. Bumagay naman daw kay Ashley ang suot at hindi dapat bina-bash.


Ipinost ng netizen na nagtanggol kay Ashley ang photo ni Cristine Reyes na mala-pantulog din ang suot. Bakit daw hindi ito na-bash?


Samantala, worth 150 dollars daw ang suot ni Ashley na equivalent sa P9,148.95. 

Hindi mumurahin ang pantulog na suot nito, makiuso na lang daw ang mga bashers para hindi sila ma-stress sa pamba-bash sa girlfriend ni Mavy Legaspi.





Pinag-usapan ang Facebook (FB) post ni Bibeth Orteza patungkol kay Lito Lapid na bumoto nang pabor para manatili si Sen. Tito Sotto bilang Senate President at marami ang nag-agree sa kanya.


Sey ni Bibeth, “Dalawa ang action star sa Senado, isa lang ang tumayo para sa bayan. ‘Di nagbunganga, pero bumoto nang tama. Lito Lapid.”


Mga comments na, “Napabilib ako. Did not expect this,” “I see him with new eyes. Salamat sa pagboto nang tama,” “Na-impress ako kay LL. Tahimik pero tama ginawa,” “For the first time, nagustuhan ko si Lito Lapid,” at “In fairness, I don’t like him but this time, I salute him,” ang mababasa.


Sa isang interview kay Sen. Lapid ni Mar Pamintuan, sabi nito, “‘Di natin kailangang ipagbili ang boto natin. Para sa bayan ang ginagawa ko ngayon. Doon tayo sa tama lang. Ayaw ko lang sa hanay nila, sobrang kawawa na ang bayan natin, ninanakawan lang palagi. May trabaho naman tayo at kinikita bilang artista.”


May nag-sorry pa nga kay Sen. Lito dahil naging hard siya rito dahil sa pagiging tahimik. Pero, nagbago na ang pagtingin niya sa senador. 


“Purihin ang matapang na senador! Millions of Filipinos are rejoicing. Thank you, Mr. Sen. Lapid.” 


May magandang comment din na, “Lito Lapid is a gift you don’t even know is giving.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page