top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Wa' paki kahit ka-partido pa... Yorme Isko, rejected kay Mayor Vico?!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 18, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | February 18, 2022



SARA, 'WAG SANANG TULARAN ANG KAPALPAKAN NI P-DUTERTE SA LABAN KONTRA DROGA--Ipinangako ni vice-presidential candidate, Mayor Sara Duterte-Carpio na kapag siya ang nanalo sa pagka-bise presidente ay pupuksain niya ang illegal drugs sa bansa.


Like father, like daughter talaga kasi ganyan din ang ipinangako ni P-Duterte noong 2016 presidential election, pupuksain niya ang illegal drugs, kaya lang sumablay kasi higit apat na buwan na lang siya sa puwesto ay hindi pa niya napupuksa ang ilegal na droga.


Wish lang natin na huwag sana tularan ni Mayor Sara ang kapalpakan ng kanyang ama, boom!


◘◘◘


MAYOR VICO SOTTO, NI-REJECT SI YORME ISKO?--Itinanggi ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang statement ng kinaaaniban niyang "Aksyon Demokratiko" na isa siya sa mga nag-aprub para maging pambato sa pagka-pangulo ng kanilang partido si Manila Mayor Isko Moreno, dahil aniya, sinabihan niya ang kanyang mga kapartido na sila ang bahalang mamili ng gagawing standard bearer dahil ayaw niyang makisawsaw sa presidential election at magpo-pokus siya sa local election bilang re-electionist mayor ng lungsod.


Hindi man aminin, tiyak na "napaaray" si Yorme sa statement ni Mayor Vico kasi kulang na lang ay sabihin ng mayor ng Pasig na reject sa kanya ang kandidatura ni Isko, period!


◘◘◘


DAPAT MAG-THANK YOU SI BBM KAY KA LEODY--Dapat magpasalamat si presidential candidate, former Bongbong Marcos sa isa sa mga katunggali niya sa presidential election na si Ka Leody de Guzman kasi dumalo ito sa presidential debate ng network ni Pastor Apollo Quiboloy, na naging dahilan din para dumalo sa debate sina independent presidential candidate former Defense Sec. Norberto Gonzales at Ernesto Abella.


Inisnab kasi nina presidential candidates Sen. Panfilo "Ping" Lacson, Sen. Manny Pacquiao, Yorme Isko at Vice-Pres. Leni Robredo ang pa-debate ni Quiboloy, kaya kung inisnab din ito ni Ka Leody, lalabas na katawa-tawa sa publiko si BBM dahil wala siyang makaka-debate, boom!


◘◘◘


PACMAN, GIGIL MAPAKULONG SI QUIBOLOY--Handa si Pacquiao na huwag ituloy ang motion for reconsideration sa Department of Justice tungkol sa pagbasura ng Makati City prosecutor's office sa isinampa nyang kasong cyberlibel laban kay Quiboloy kung ma-extradite ang pastor sa Amerika tungkol sa kaso nitong sex child trafficking sa Tate.


Patunay 'yan na gigil na gigil si Pacman na mapakulong si Quibiloy, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page