top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Wa' pa ring raket sa showbiz… CLAUDINE, IBINEBENTA NA ANG SASAKYAN

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 22, 2020
1 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | October 22, 2020



Ibinebenta ni Claudine Barretto ang kanyang very luxurious van. She posted on her Instagram account ang interior and exterior photos ng kanyang white 2008 GMC Savana Starcraft kahapon.


Sa caption ng kanyang IG post ay inilagay ni Claudine na for sale ang kanyang Savana Starcraft van. At sa mga interested buyers, inilagay doon ni Claudine na puwede siyang i-direct message or may isang tao pa na puwedeng kontakin.


Actually, that was not the first time na ipinost ni Claudine sa kanyang Instagram ang kanyang ibinebentang sasakyan. Last time na ipinost ni Clau sa IG ang photos ng kanyang van ay noong October 5.


Ang laki ng SS van ni Claudine na kung 'di kami nagkakamali ay 'di pa rin bababa sa P1M ang halaga.


Wala naman kaming nakitang comment sa IG post ni Clau both kahapon at noong October 5.


At least, walang negative reaction mula sa mga netizens na ang hilig-hilig mang-bash may masabi lang. It's good to know that they're nice naman kay Claudine.


Naisip lang namin, saan pa nga naman gagamitin ni Clau ang malaking SS van sa panahon ng pandemya? Hindi pa rin matiyak kung kailan siya magsisimula ng project with Piolo Pascual or kung matutuloy pa.


Although, hoping pa rin ang mga fans nina Claudine at Piolo na magkasama silang muli sa isang project.


Or puwede ring a project with her estranged hubby na si Raymart Santiago since nasa ABS-CBN na rin ang rumored boyfriend ngayon ni Jodi Sta. Maria.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page