top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Wa' pa rin programa para sa maliliit na negosyo, tsk!

BULGAR
Sep 18, 2021
1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | September 18, 2021


Wala pa ring Kongkretong programa ang gobyerno kung paano masasaklolohan ang mga naluging maliliit na negosyo.


Kakambal 'yan ng kawalan ng trabaho ng ordinaryo tao!


◘◘◘


WALA pa ring tayong nakikitang presidentiables na may kapanipaniwalang plataporma.


Lahat ay propaganda lang!


◘◘◘


MARAMING incumbent LGU execs ang halos walang kalaban.


Nakapag-vote buying na kasi sila gamit ang ayuda!


◘◘◘


HINDI pa rin malinaw kung sino ang kakandito sa national position sa mag-amang Duterte.


Lumang estilo 'yan!


◘◘◘


GA-BUNDOK pa rin ang mahahalagang minerals sa buong Pilipinas.


Inirereserba nila 'yan para sa mga dayuhan!


◘◘◘


KAILAN kaya miminahin ang mga ginto at iba pang minerals sa Pilipinas?


Parang mga engot ang mga nasa pamahalaan!


◘◘◘


IIMBESTIGAHAN daw ng ICC si P-Digong.

Sana ay makabalik pa sila nang buhay sa kanilang bansa.


Puwede silang ma-COVID nang walang kalaban-laban!


◘◘◘


BAKIT kaya hindi pa nagbibitiw si DOH secretary Francisco Duque?


Wala pa kasing go signal ang mga suppliers ng PPE!


◘◘◘


HINDI pa rin nagdedeklara ng kandidatura sa pagkapangulo si Sen. Manny Pacquiao.


◘◘◘


MANHID na ang gobyerno sa mga kritiko.


Isang sintomas din 'yan ng COVID-19!


◘◘◘


SASAYA ang bansa 'pag kumandidatong pangulo si ex-Sen. Bongbong Marcos.


Makikikoro kasi maging ang mga komunistang nawalan ng pag-asa!


◘◘◘


SUMISIKAT si Sen. Richard Gordon.


Pinatulan kasi ni P-Digong!


◘◘◘


CARDIAC arrest ang pumapatay sa mga tao na nakarekober sa COVID-19.


Under stress ang tawag d'yan!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page