Wa' pa rin nahuhuling smuggler ang bagong custom commissioner, buwisit!
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | August 9, 2022
SA 6.4 INFLATION RATE, LALONG MAGHIHIRAP ANG MGA PINOY—Dalawang araw matapos ilabas ng SWS noong Aug. 3, 2022 ang resulta ng kanilang survey na 48% o halos kalahati ng pamilyang Pilipino sa Pilipinas ang naghihirap ang pamumuhay, inanunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Aug. 5, 2022 na pumalo sa 6.4% ang inflation rate sa bansa.
Isa lang ang ibig sabihin niyan, na ang pamumuhay ng 48% pamilyang Pinoy na nagsabing sila ay naghihirap ay mas lalo pang maghihirap ang pamumuhay dahil sa taas ng presyo ng mga bilihin at bayarin.
◘◘◘
ASUKAL P100 NA PER KILO, HUWAG NAMAN SANANG PATI ASIN TUMAAS ANG PRESYO—Isa ang asukal sa malaki ang itinaas ang presyo kasi sa ngayon ay nasa P100 na ang per kilo nito.
Naku, huwag naman sanang pati presyo n asin ay tumaas na rin kasi kapag malaki ang itinaas ng presyo nito ay baka pati ang mga maralita nating mga kababayan na nagdidildil ng asin ay wala nang maiulam.
◘◘◘
ANG PROBLEMA SA SINABI NI P-BBM NA PUWEDE NA MAGHANAP NG TRABAHO ANG MGA PARENTS NG MGA ESTUDYANTE, BAKA WALA NAMANG MAPASUKANG TRABAHO—Sabi ni PBBM, na kapag nag-start na ang face-to-face class ay magkakaroon na ng oportunidad ang mga magulang na magtrabaho.
Good 'yan kung may mapapasukang trabaho, eh, ang problema ay baka wala naman silang mapasukan.
◘◘◘
KAILAN KAYA MAGPAPASIKLAB SI COMM. YOGI RUIZ, NA MAY NAHULI NA SILANG SMUGGLERS SA CUSTOMS?—Noong July 20, 2022 pa itinalaga ni P-BBM si Yogi Felimon Ruiz bilang Customs commissioner, pero hanggang ngayon ay wala pa itong nahuhuling smuggler sa Adwana.
Kaya't ang tanong: Kailan kaya magpapasiklab si Comm. Ruiz na may nahuli na silang smuggler sa Customs?





Comments