Wa' pa rin health SEC si P-BBM, ngek!
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | July 9, 2022
PAGBUWAG SA PACC, SABLAY—Binuwag din ni P-BBM ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).
Kung sinuman ang nagpayo kay P-BBM na buwagin ang PACC ay sablay kasi lumalabas na ayaw ng Marcos administration ang may anti-corruption na ahensya ng pamahalaan na ang mandato ay mag-imbestiga ng mga kurakot sa gobyerno.
Dahil sa ginawang pagbuwag sa PACC, pinuputakti tuloy ngayon ng batikos si P-BBM, boom!
◘◘◘
KAILANGAN PA PALANG MAY MAGKASAKIT AT MATIGOK BAGO MAGBIGAY NG TULONG ANG OVP NI SARA—Ibinida ni Vice-President, Education Sec. Sara Duterte na magbibigay ng tulong pang-medical at pampalibing ng patay ang kanyang tanggapan.
Pambihira, kailangan pa palang may magkasakit at matigok muna bago magbigay ng tulong ang OVP.
Sana, tularan ni VP Sara ang diskarte ni dating VP Leni Robredo na nagpapagawa ng pabahay, pailaw sa mga liblib na komunidad at livelihood sa mamamayan, period!
◘◘◘
NANANALASA NA ANG DENGUE AT MAY COVID-19 PA, TAPOS ANG 'PINAS WALA PANG HEALTH SECRETARY—Dapat magtalaga na si P-BBM ng magiging kalihim ng Dept. of Health (DOH) kasi isa 'yan sa pinakamahalagang tanggapan ng pamahalaan dahil ang mandato niyan ay pangalagaan ang kalusugan ng mamamayan.
Hindi joke ang nangyayari sa bansa, libu-libo na ang nabibiktima ng deadly dengue at may pandemya pa dulot ng COVID-19, tapos ang 'Pinas hanggang ngayon wala pang health secretary, saklap!





Comments