top of page

Wa’ nang shows sa TV, kumagat… P300 K, BAYAD SA PAGSASAYAW NI MARK SA GAY BAR

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 31
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | Jan. 31, 2025



Photo: Mark Herras - IG



Naging usap-usapan sa social media nang kumalat ang balitang nagsasayaw na lang daw si Mark Herras sa isang gay bar o entertainment bar.


Si Mark ang unang male survivor ng StarStruck reality search ng GMA-7 at ka-batch niya si Jennylyn Mercado na first female survivor naman.


Pero kung si Jennylyn ay very active pa rin sa TV at movies, kabaligtaran ito ni Mark na wala nang shows sa GMA-7.


Kaya naman, naging tampulan siya ng kuwentuhan nang sumayaw siya sa isang gay bar kamakailan. Maraming nang-bash sa Kapuso actor, although may nagtanggol din naman sa kanya. Anila, wala namang masama sa ginagawa ng aktor.  


At totoo bang ang TF ni Mark for his performance ay P300,000 kaya napapayag ito?  

Jampacked naman daw ang show kapag si Mark Herras ang nagpe-perform.  



Okey lang kay Regine Velasquez kung maraming impersonators ang gumagaya sa kanya.  


Natutuwa umano siya sa mga ito, lalo na ang panggagaya sa kanyang mannerisms tulad ng eye movement o high notes na kanyang trademark.  


Sa YouTube (YT) channel nina Ogie Diaz ay guest ang icon singer. Ani Regine, hindi niya napapansin ang panggagaya ng mga nag-i-impersonate sa kanya hanggang sa mapanood ang mga ito.  


Aniya, “I wasn’t even aware that I was doing it. S’yempre, naging aware na lang ako ngayon kasi sa mga impersonators, kasi lagi nilang ginagawa.” 

Paglilinaw ng nag-iisang Asia's Songbird, nagagawa niya ito upang isaayos ang kanyang pilik-mata.  


Sey niya, “Pero alam mo, tawang-tawa ako!”


Hindi umano siya nao-offend tuwing may gumagaya sa kanya. Katunayan, binibigyan pa niya ng pagkakataong makilala ang mga ito. Tulad na lang ng isa sa mga kilalang impersonators niya na si Anton Diva, na napalapit na rin sa kanya.  


Bukod kasi sa paggaya sa kanya, todo ang suporta nito sa kanya — present sa halos lahat ng kanyang concerts, maging sa mall shows. 


No wonder na gayang-gaya talaga si Regine ni Anton Diva.



ANSWERED prayer para kay Ryan Bang na makasamang mag-lunch ang ama at ina with his fiancée na si Paola Huyong.  


First time na nag-travel si Ryan sa Korea kasama ang fiancée.  


Ayon kay Ryan, “In my life, lagi kong ipine-pray 'yun, eh. Sabi ko, ‘Ano ba gusto ko mangyari sa future ko? Gusto ko ba maging milyonaryo o gusto ko ba maging super famous? What makes me happy ba?’ Sabi ko, siguro lunch o dinner with my parents. S’yempre, gusto ko mag-travel with my mom and dad na complete sila, pero hindi na ako umaasa. Dasal ko

‘Lord, gusto ko lang simple dinner, lunch with my mom and dad.’”  


Mapapanood sa latest YouTube (YT) vlog ni Ryan ang lunch date ng pamilya with Paola.  

Pinayagan si Paola na mag-travel sa Korea with Ryan kasama ang kanyang sister.  


Ayon sa Korean actor-host, inimbitahan umano niya ang mga magulang na mag-lunch kasama ang fiancée at kapatid nito, pero lagi raw siyang nire-reject.  


Kuwento niya, “Sabi ko, ‘Mommy, dinner tayo with daddy,’ ayaw talaga. Tapos, tinanong ko kay Daddy, ‘Daddy, dinner tayo with Mom…’ ayaw din talaga.”  


Nu’ng last day na raw nila sa Korea at babalik na ng Manila, pumayag ang kanyang mga magulang na mag-dinner bago sila umuwi.  


Sey niya, “That was the best gift mo (referring to Paola) sa ‘kin. Lunch ‘yun, eh, ang daming tao pero buong lunch, talagang kinukurot ko ‘yung hita ko para hindi ako umiyak. Hindi ako nagsalita but it was a dream come true. Tapos, sabi ko after kumain, ‘Kape pa tayo.’ Nagkape pa tayo.”  


Ayon sa It’s Showtime (IS) host, ‘yun ang first memory niya na nagkaroon siya ng lunch kasama ang kanyang parents.  


Aniya, “Kahit hindi sila masyado nag-usap, para sa ‘kin, it was the best na nangyari sa buhay ko. Kasi nu’ng bata ako, lagi sila nag-aaway. Wala ako sa memory na tatlo kaming kumain or tatlo kaming nag-travel. May memory ako, travel ako with my mom, lagi wala ang daddy. Travel kami ng daddy ko, lagi wala si mommy. So, it was my first memory na I had isang meal, lunch with my mom and my dad.”  


Dagdag pa ni Ryan, “And nabuhay ako du’n kaya nagpasalamat ako kay Lord, sa ‘yo (Paolo), and sa sister mo, and of course sa parents mo na pumayag makapag-travel (ka). Malaking bagay ‘yun na pumayag mommy at daddy mo — na ibig sabihin, trust sa ‘kin with you and your sister. And then it happened to me na answered prayer na kumain with my mom and my dad, so sobrang saya ko.”

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page