top of page

Wa’ na raw kasi siyang pera… IBINULGAR NI CLAUDINE: MGA UTOL AT PAMANGKIN, NAKINABANG NOON, DEDMA NA SA KANYA NGAYON

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 19
  • 4 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | June 19, 20255



Photo: Claudine Barretto - Circulated - TIkTok

 

Desidido si Claudine Barretto na idemanda ang kapatid na si Mito Barretto na aniya ay nagpapadala sa kanya ngayon ng mga pananakot, dahilan kaya siya nagpainterbyu kina kapatid na Jobert Sucaldito at Direk Chaps Manansala sa kanilang YouTube vlog na OOTD.  


Emosyonal na ikinuwento ni Claudine na may kampihan na namang nangyayari ngayon sa kanilang magkakapatid at ang kaalitan niya bukod kay Mito ay ang ate niyang si Marjorie Barretto.


Nagsimula raw ito nang tumanggap siya ng trabaho kasama si Gene Padilla na kapatid ng dati niyang bayaw na si Dennis Padilla na matatandaang nakaalitan na naman ni Marjorie sa kasal ni Claudia Barretto.


Nasundan pa ito ng bintang sa kanya na siya ang source ni Ninang Cristy Fermin sa show nito kung saan sinabi ng batikang kolumnista-TV host na kaya nasapok ni Dennis si Marjorie sa tenga noon ay dahil na-slash ni Marjorie ang likod ng dating mister.


Mariing idinenay ito ni Claudine kasunod ang pagpapakawala ng kanyang saloobin.

Pati nga ang mga anak ni Marjorie ay nadamay na sa hinanakit ni Claudine.


“Wala akong utang na loob sa inyo, pero kayo, malaki ang utang n’yo sa akin. ‘Wag sanang dumating ang araw na maglabasan tayo ng bank checks dahil ‘pag tumulong ka,

di ka dapat nanunumbat,” mariing sabi ni Claudine.


Dagdag pa nito, “Once upon a time, napaaral ko ang mga pamangkin ko, nabayaran ko ang renta ng bahay nila, natulungan ko sila sa mga negosyo.”


Ang masakit daw para sa kanya, tila nakalimutan na ng mga kapatid ang mga tulong na nagawa niya noong kalakasan niya pang kumita.


“Ang sakit lang na ‘pag wala ka, ‘pag wala ka na pala, wala na rin ‘yung respeto.”

Samantala, tila may patama naman si Claudine kay Marjorie bilang sagot sa mga bantang ilalabas daw ang kanyang mga “baho” tulad ng pagiging drug addict noon at may sakit sa pag-iisip.


“Ang drugs, nare-rehab, ang anger management, nama-manage, pero ang manira ka ng buhay ng may buhay, sakit ‘yun. Walang cure ‘yun, to destroy a family, pamilya ng iba,” teary-eyed pa ring pahayag ni Claudine.


As we write this, wala pang sagot sina Marjorie at Mito sa mga bagong pasabog ni Claudine sa kanyang interbyu.


May mga nag-aabang naman kung kakampihan ba ni Gretchen Barretto ang bunsong kapatid at magsasalita rin kaya ito bilang pagtatanggol kay Claudine?

Hirap na hirap sa pinagdaraanan…

ICE, GUSTUNG-GUSTONG MAGPALAGAY NG ‘MANOY’, TAKOT NA ‘DI TANGGAPIN NG MGA PINOY


UMANI ng masigabong palakpakan at hindi matapus-tapos na papuri ang mag-asawang Ice Seguerra at Liza Diño-Seguerra sa last run ng kanilang stage play na Choosing na ginanap sa Arete Theater ng Ateneo de Manila University last Sunday, kasabay ng Father’s Day.


Sa sobrang husay ng performance nina Ice at Liza, pati ang mga non-members ng LGBT community ay nabuksan ang isip at ngayon ay mas naiintindihan na nila ang hirap na pinagdaraanan ng mga tulad ni Ice na isang transman.


At maging si Ice nga mismo, naging sobrang emosyonal nang gabing ‘yun dahil tamang-tama pa naman na Father’s Day at nanood ang anak ni former FDCP Chair Liza na si Amara.


After ng play, tinanong ni Amara sina Ice at Liza sa kanilang stand sa pagkakaroon ng “unconventional family” na tulad nila at du’n nga napaiyak si Ice dahil aniya, hindi talaga madali ang sitwasyon nila pero dahil pinili niya ang mag-ina at pinili rin siya, kaya ayan, one happy family sila.


Idinaan din ni Ice sa Choosing -- na isinulat mismo ni Chair Liza at may inputs din ang singer -- ang kanyang matinding frustration na maging transman.


Inamin ni Ice na matagal na niyang gustung-gusto na maging tunay na lalaki dahil ang feeling niya, hindi siya buo tuwing humaharap sa salamin na female organ pa rin ang nakikita niya.


Pero hindi nga niya magawang magpaopera dahil kahit alam daw niyang matatanggap naman ‘yun ng misis, ang worry niya ay kung matatanggap ba ng Filipino fans and audience niya ang kanyang pagiging transman.


Bread and butter niya ang showbiz, paano nga naman kung mag-iba na ang boses at hitsura niya, ano pa ang ibubuhay niya sa kanyang pamilya?


Samantala, good news naman ang inamin ni Chair Liza na balak nilang dalhin abroad ang Choosing at may mga inaayos lang silang papers para maipalabas nila ito roon.


Congrats to Fire & Ice Productions and to the whole team ng Choosing sa pagbuo ng ganitong stage play na tiyak maipagmamalaki even abroad.



NAPABILIB din nina Asia’s Timeless Diva Dulce at Charity Diva Token Lizares ang lahat ng nanood ng kanilang Divas on Fire concert sa Teatrino, Greenhills last Friday dahil sa sobrang powerful ng boses nila na akala mo’y hindi namamaos kahit kuntodo birit pa.


Bigay na bigay sina Ms. Dulce at Tita Token at parang ang lalamunan namin ang sumakit sa sobrang birit nila sa duet ng kantang Paano, Kastilyong Buhangin at Tell Him.


Grabe ang version nila ng Barbra Streisand and Celine Dion song na Tell Him at puwede na ngang sila ang maging local version ng dalawang international singers.


Sabagay, hindi nakapagtataka na banat na banat ang kanilang mga boses dahil hindi naman sila napapahinga sa pagpe-perform at kahit nga charity show tulad ng Divas on Fire na ang beneficiary ay ang Servants of Mary, 101% performance pa rin ang ibinibigay nila.


We heard nga from Tita Token and Ms. Lovely Rivero na after Divas on Fire, may mga kasunod pa silang concert na ipo-producer under their G4 Productions kasama si Ms. Maritess Gutierrez at isa pang co-producer nila.


Anyway, congrats and looking forward sa marami pa nilang concerts this year.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page