top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Wa' na aasahang P100-K ang mga Centenarians

BULGAR
Sep 11, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | September 11, 2022


CENTENARIANS, INDIGENT SENIOR CITIZENS AT MAHIHIRAP NA BATA, SAPOL SA PAG-CUT NG BUDGET NG DBM AT MGA CONG. SA DSWD—Sa budget hearing sa Kongreso, maraming nakalaang pondo sa Department of Social Welfare and Development ang inalis ng Department of Budget and Management at mga kongresista.


Kabilang sa mga hindi pinondohan ay benepisyo sa mga centenarians, increase sa pensyon ng indigent senior citizens at pang-feeding program sa mga bata, na kung pagsasama-samahin ang budget na ibinawas sa pondo ng DSWD ay aabutin ito ng higit P27.5 bilyon.


Dahil sa ginawa ng DBM at mga kongresista ay wala nang aasahang P100-K ang mga centenarians, wala nang P500 dagdag-pension ang mga indigent senior citizens at wala na rin aasahan ang maralitang mga bata na libreng pagkain.


◘◘◘


DBM AT MGA CONG., WALANG PUSO SA MGA CENTENARIANS, INDIGENT SENIOR CITIZENS AT MAHIHIRAP NA BATA—Hindi natin maintindihan kung ano ang pumasok sa utak ng mga taga-DBM at mga kongresista kung bakit binawasan nila ng P27.5-B ang budget ng DSWD, eh, ang makikinabang naman d'yan ay centenarians, indigent senior citizens at mga bata.


D'yan makikita na ang mga taga-DBM at cong. ay "walang puso".


◘◘◘


MAHIHIRAP NA COLLEGE STUDENTS, WALA NANG AASAHANG FINANCIAL ASSISTANCE SA CHED—Hindi lang budget ng DSWD ang tinapyasan ng DBM at mga cong., kundi pati ang budget ng Commission on Higher Education kasi mula sa dating higit P31.6-B ay ginawa itong P29.8-B.


Dahil d'yan, mismong si CHED Chairman Prospero de Vera na ang nagsabi, na huwag umasa ang mahihirap na college students na mabigyan pa sila ng CHED ng financial assistance kasi inalis na ng DBM at mga cong. ang pondo.


◘◘◘


KUNG SAD ANG MGA CENTENARIANS, SENIOR CITIZENS, MAHIHIRAP NA BATA AT COLLEGE STUDENTS SA PAG-CUT NG BUDGET SA DSWD AT CHED, HAPPY NAMAN SI VP SARA SA LAKI NG BUDGET NG OVP—Sa totoo lang, hindi katanggap-tanggap sa publiko ang ginawang pagtapyas ng DBM at mga cong. sa budget ng DSWD at CHED, tapos ang budget ng Office of the Vice-President (OVP) ni VP Sara Duterte-Carpio ay ubod ng laki ang idinagdag nila, ginawa itong P2.3-B, at may P500 million confidential fund pa, gayung puwede naman itong P700-M lang, tulad ng budget ng OVP noon ni dating VP Leni Robredo.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page