top of page

W'lifter Sarno, naka-3 silver sa women's U-71 kgs sa AWC

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 11, 2023
  • 1 min read

ni Gerard Arce @Sports | May 11, 2023



Nakuntento sa tatlong pilak na medalya si Pinay weightlifter Vanessa Sarno sa women’s under-71kgs category matapos lumista ng pambihirang World record ang Chinese lifter na si Liao Guifang, Martes ng hapon sa 2023 Asian Weightlifting Championships sa Jinju Arena sa Jinju, South Korea.


Bumuhat ang 19-anyos na tubong Bohol ng kabuuang 239 kilograms mula sa 107kgs sa snatch at 132kgs sa clean and jerk, habang gumawa ng nakakalulang 120kgs sa snatch at kabuuang 268kgs kasama ang 148 sa clean and jerk, para sa bagong World record na inilista ni Loredana Toma ng Romania sa 119kgs sa snatch at Zhang Wengli ng China sa 267kgs, habang hawak din ni Wengli ang rekord sa clean and jerk sa 152kgs noong Nob. 6, 2018 sa Ashgabat World Championships.


Nakuha ni 2020 Tokyo Olympics bronze medalist Chen Wen-Huei ng Chinese Taipei ang dalawang bronze medals sa 131 sa clean and jerk at 232kgs sa total lift, habang nakuha ni 2021 Southeast Asian Games -under64kgs champion Pham Thi Hong Thanh ng Vietnam ang bronze medal sa snatch sa 103kgs.


Nabigong mapantayan ni Sarno ang dalawang gintong medalya sa 2020 edisyon sa Tashkent, Uzbekistan, kung saan bumuhat ito ng 128kgs sa clean and jerk at 229 total lift para sa unahang puwesto, subalit nahigitan nito ang 101kgs na nakuha sa snatch noong Abril 16-25, 2021.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page