top of page

Tropang 5G inagaw ang Game 1 sa Beermen

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | January 22, 2026



Junmar Fajardo vs Williams - Reymundo Nillama

Photo: Nagpumiglas na makalusot si June Mar Fajardo ng San Miguel Beermen para sa kanyang pag-iwas na maagaw ang bola sa depensa ng katunggaling si Kelly Williams ng Talk 'N Text Tropang 5G sa unang salpukan nila sa PBA Philippine Cup Championships Game 1 best-of-seven series na ginanap sa Ynares Center, Antipolo City. (Reymundo Nillama)


Laro ngayong Biyernes - Ynares Antipolo

7:30 PM SMB vs. TNT


Nagtrabaho hanggang huling minuto ang TNT Tropang 5G upang makuha ang Game One ng 2025-26 PBA Philippine Cup Finals laban sa defending champion San Miguel Beermen, 96-91, Miyerkules ng gabi sa Ynares Center Antipolo. Ang Game Two ay sa Biyenes sa parehong palaruan.


Naglabas agad ng mahigpit na depensa ang Tropa at kahit minsan ay hindi nakatikim ng lamang ang SMB. Umabot ng 46-27 ang agwat sa pangalawang quarter pero hindi madaling sumuko ang mga kampeon.


Naging isa na lang ang bentahe ng TNT, 78-77, sa dalawang shoot ni June Mar Fajardo. Sinagot ito ng walong sunod nina Calvin Oftana at Jordan Heading para makahinga, 86-77, pero patuloy ang banta.


Bumira ng four-points si Don Trollano at matapos ang dalawang buslo ni Jericho Cruz ay balik sa isa ang agwat, 91-92, at 20 segundo sa orasan. Biglang lumamig ang SMB at sinigurado ni Heading ang resulta sa apat na free throw.


Nanguna si Best Player Kelly Williams na may 15 puntos, siyam na rebound at siya rin ang bumantay kay JMF. Mas mataas ang kanyang numero na 23 at 19 rebound subalit mas mahalaga na napunta sa TNT ang mahalagang pambungad na tagumpay sa seryeng best-of-seven.


Sumuporta sina Oftana at Heading na may tig-13. Nagtala ng 22 si Moala Tautuaa habang 16 si CJay Perez.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page