Alex Eala, Carlos Yulo, paparangalan bilang ‘PSA Athletes of the Year’
- BULGAR

- 8 hours ago
- 1 min read
by Info @Sports News | January 17, 2026

Photo: File / Alex Eala at Carlos Yulo - FB
Nakatakdang parangalan sina tennis sensation Alex Eala Olympic gold medalist gymnast Carlos Yulo bilang Philippine Sportswriters Association (PSA)’s Male and Female Athletes of the Year sa PSA Annual Awards Night sa Pebrero 16.
Ito ang unang pagkakataon sa loob ng 22 taon na isang lalaki at isang babaeng atleta ang tatanggap ng naturang parangal, mula nang magbahagi ng karangalan sina People’s Champ Manny Pacquiao at golfer Jennifer Rosales noong 2004.
Tumatak si Alex sa taong 2025 dahil sa kanyang mga achievements kabilang na ang makasaysayang pagsabak sa Miami Open at pagkamit sa unang WTA 125 title sa Guadalajara Open.
Pinatunayan naman ni Yulo ang pamamayagpag niya sa international events gaya ng Asian Artistic Gymnastics Championships at FIG Artistic Gymnastics World Championships.








Comments