VP Sara, wala na sa tamang pag-iisip — Castro

ni Mylene Alfonso @News | September 12, 2026

Photo: Atty. Claire Castro - PCO
Binuweltahan ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro si Vice President Sara Duterte matapos nitong akusahan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng paggamit ng ilegal na droga at batikusin ang impeachment case na kinakaharap niya.
Sa press briefing sa Philippine Embassy sa New Delhi kahapon, sinabi ni Castro na posibleng dulot ng “sleepless nights and anxiety” ang mga naging pahayag ng Bise Presidente.
“Was she in a lucid interval at that time? Nasa tama ba syang wisyo, nasa tama ba syang pag-iisip? Baka po ito dala ng sleepless nights and anxiety kaya hindi na sya nakakapag-isip ng maayos at nakakapag-mensahe ng naaayon sa pagiging bise-presidente. Lumalabas ang totoong Sara Duterte,” pahayag ni Castro.
Tinuligsa rin ni Castro ang akusasyon ni Duterte na gumagamit ng ilegal na droga si Pangulong Marcos.
Sa halip, binalikan niya ang mga naging pahayag noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa paggamit nito ng marijuana at fentanyl.
Hinamon din niya ang pamilya Duterte na tugunan ang matagal nang suliranin ng pagbaha sa Davao City, kasabay ng pagpapatuloy ng pamahalaan sa mga kaso kaugnay ng umano’y iregularidad sa mga flood control project.





Comments