VP Sara sa impeachment: Harassment, walang ebidensya
- BULGAR

- 6 hours ago
- 2 min read
ni Mylene Alfonso @News | February 8, 2026

Photo: Inday Sara Duterte / OVP / SS
Inilarawan ni Vice President Sara Duterte sa isang papel na walang kalakip na anumang ebidensya ang mga inihahaing panibagong impeachment complaint ng Akbayan laban sa kanya.
Sa kanyang video message, sinabi ni Duterte na hindi na ito bago kung saan ang naunang impeachment na isinampa laban sa kanya ang naging sagot nang kumalas siya sa Gabinete, isang hakbang na isinagawa dahil hindi na aniya maipaliwanag ng Pangulo ang patuloy na pagkalugmok ng bayan sa kahirapan.
“Noong 19th Congress, binuksan pa nila ang isang “investigation in aid of legislation” hindi upang lumikha ng batas, kundi upang magsagawa ng isang malinaw na fishing expedition para sa planadong impeachment laban sa akin,” diin ni Duterte.
“Paulit-ulit nilang ibinabandera ang isyung “Mary Grace Piattos” bilang umano’y bahid ng katiwalian, kahit na sa kabila ng lahat ng imbestigasyon ay wala silang naipakitang kahit isang direktang paglabag sa paggamit ng confidential funds,” punto ni VP Sara.
Sumunod na aniya rito ang bentahan ng mga pirma para sa impeachment at ang mga tinaguriang “for later release projects” na ipinangako umano sa ilang miyembro ng Kamara upang itulak ang impeachment laban sa kanya.
Binigyang-diin ni VP Sara na walang kredibilidad ang Akbayan upang magsumite o mag-endorso ng impeachment complaint.
Kaugnay nito, nagbalik-tanaw siya sa naging pahayag ni Sen. Risa Hontiveros kaugnay sa interes nito sa pagtakbo bilang Presidente.
“Mga kababayan, walang kredibilidad ang Akbayan upang mag-endorso o magsumite ng impeachment complaint. Ilang ulit nang hayagang ipinahayag ng kanilang pinuno ang kanyang intensyong tumakbo sa pagkapangulo—isang malinaw na indikasyon ng pampulitikang motibo sa likod ng kanilang mga hakbang,” punto ng Bise Presidente.
“Huwag nating kalimutan ang makasaysayang talumpati noong Agosto 2024 ni Risa Hontiveros, kung saan malinaw niyang inilahad ang tunay na motibo ng Akbayan bilang isang grupo:
[“Habang ang anak niya ay may kapangyarihan pa, hindi magiging madali ang ating laban. While VP Sara is in power, the threat of a full-blown Duterte comeback is still a very real and present danger. For one, they are supported by one major superpower, China.”]1
Kaya malinaw aniya na lahat ng ito ay isang uri ng harassment at pang-aabuso sa proseso ng impeachment ng grupong Akbayan.
Sa huli, sinabi niyang walang malinaw na dahilan ang ipinaglalaban ng grupo at naging paulit-ulit na hakbang na lamang na may motibong pampulitika laban sa kanya.








Comments