ni Angela Fernando @News | Sep. 26, 2024
Iginiit muli ni Bise-Presidente Sara Duterte sa inilabas na pahayag ng Office of the Vice President (OVP) nitong Huwebes na tinanggal sa trabaho ang dating Department of Education (DepEd) Undersecretary na si Gloria Mercado dahil sa mga anomalya.
Binigyang-diin din ni Duterte ang kanyang mga akusasyon laban kay Mercado, na sinasabing bahagi umano ito ng isang "political machinery" laban sa kanya.
Magugunitang sa pagdinig ng Kamara na ginanap nu'ng Miyerkules, ibinulgar ni Mercado na dati siyang binigyan ni Duterte ng P50,000 kada buwan sa loob ng siyam na buwan dahil may layunin itong impluwensiyahan ang kanyang mga desisyon kaugnay sa bidding process ng DepEd.
Comments