top of page

VP Sara, kontra sa Duterte-Duterte 2028, pero aprub sa kanya ang Duterte-Go!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 26, 2024
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Marso 26, 2024


VP SARA ‘NO’ SA MUNGKAHI NI PANELO NA DUTERTE-DUTERTE 2028, PUWEDE PA SIGURO ANG DUTERTE-GO -- Hindi sang-ayon si Vice President, Dept. of Education (DepEd) Sec. Sara Duterte-Carpio sa mungkahi ni dating presidential legal adviser Salvador Panelo na mag-tandem silang mag-amang Duterte, si VP Sara for president at si ex-P-Duterte for vice president.


Kung sa bagay, may dahilan si VP Sara na tutulan ito, kasi hindi nga naman magandang tingnan na silang mag-ama ang magta-tandem sa 2028 election.


Siguro, kung Duterte-Go payag si VP Sara, siya for president at si Sen. Bong Go ang for vice president, abangan!

◘◘◘


DATI MAJORITY PINOY TUTOL SA CHA-CHA, NGAYON APRUB NA DAHIL SA HIRAP NG BUHAY SA ‘PINAS -- Sa survey ng Tangere Firm ay lumabas na 52% ng Pinoy ay pabor na sa Charter change (Cha-cha).


Dati ay majority Pinoy ang kontra na baguhin ang mga nilalaman ng Saligang Batas, pero ngayon ay sang-ayon na ang marami.


Ang nakikita nating dahilan dito ay ang kahirapan ng mamamayan, kumbaga ay nagbabakasakali ang publiko na kapag nabago ang economic at political provisions ng 1987 Constitution, baka kahit paano ay umasenso ang buhay ng sambayanang Pinoy, period!

◘◘◘


PANAWAGAN NI CARDINAL ADVINCULA NA ANG MGA NAGKASALA MAGBALIK-LOOB SA DIYOS, BAKA HINDI PAKINGGAN NG MGA KURAKOT NA TRAPO KASI ANG DINI-DIYOS NILA KUWARTA -- Nanawagan si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na ngayong Semana Santa ay dapat daw na iyong mga nagkasala ay humingi ng kapatawaran at magbalik-loob sa Diyos.


Sa ibang tao puwedeng pakinggan at gawin ang panawagan ni Cardinal Advincula, pero ang mga kurakot na trapo (traditional politicians) ay malabo nilang sundin ang panawagan ng arsobispo kasi ang dini-Diyos ng mga ‘yan ay kuwarta, boom!


◘◘◘


IKULONG ANG TANOD NA BRUTAL NA PUMATAY KAY ‘KILLUA’ PARA HINDI NA SIYA PAMARISAN NG IBA -- Dapat makulong ang barangay tanod na si Anthony Solares sa ginawa nitong brutal na pagpatay sa asong golden retriever na si “Killua” sa Bato, Camarines Sur last March 17, kasi sa CCTV video ay kitang-kita ang intensyon niyang patayin ito, at ang grabe pa ay imbes na i-report sa barangay hall at dalhin ang dog ay isinako pa niya ito at iniuwi na indikasyong gusto niyang i-double murder si “Killua”.


Imagine, pinatay na niya, tila gusto pa niyang katayin.


Dapat siyang makulong para hindi na siya pamarisan ng iba na malupit sa hayop, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page