VP Sara, ‘business as usual’ sa kabila ng impeachment hearing
- BULGAR

- 2 hours ago
- 1 min read
ni Dominic Santos @News | April 23, 2026

Photo: File / Inday Sara Duterte
‘Business as usual’
Ganito inilarawan ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang kanyang kalagayan sa kabila ng patuloy na paggulong ng impeachment proceedings na isinasagawa ng House Justice Committee.
Anila, tuloy lamang ang trabaho ni VP Sara at patuloy din ang mga proyekto ng Office of the Vice President (OVP) sa kabila ng nasabing pagdinig.
Dagdag pa nila, “I really admire her strength throughout all this. It’s been happening since 2023…na parati siyang may atake.”
Nakaantabay naman umano sila para sa mga legal na problema ni VP Sara.




Comments