top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

VP Sara at DSWD Sec. Gatchalian, pasok sa ‘Top Performing Cabinet Official’

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 8, 2024
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Marso 8, 2024


KAYA PALA ‘DI MAGAWA NI P-BBM NA SIBAKIN SI VP SARA, KASI TOP PERFORMING CABINET OFFICIAL ITO -- Sa survey na inilabas ng Tangere Firm ay si Vice President, Dept. of Education (DepEd) Sec. Sara Duterte-Carpio ang “Top Performing Cabinet Official” ng Marcos administration.


Kaya naman pala hindi magawa ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) na sibakin si VP Sara kahit inaatake siya nina ex-P-Duterte at Mayor Baste Duterte, kasi top performing cabinet official pala ito ng kanyang administration, period!


◘◘◘


MAHUSAY ANG HATID-SERBISYO NI DSWD SEC. GATCHALIAN SA MAMAMAYAN, KAYA TOP 3 PERFORMING OFFICIAL SIYA NG MARCOS ADMIN – Pasok naman sa ‘Top 5 Performing Cabinet Official’, rank no. 3 si Sec. Rex Gatchalian ng Dept. of Social Welfare and Development (DSWD).


Sa kasaysayan ng DSWD ay ngayon lang nangyari na ang kalihim nito na si Sec. Gatchalian ang pumasok sa top 5, at rank no. 3 pa bilang “Top Performing Cabinet Official”, na ibig sabihin ay mahusay niyang nagagampanan ang hatid-serbisyo niya sa mamamayan, palakpakan naman d’yan!


◘◘◘


DAAN-DAANG BILYONG PISONG PANG-‘PET PROJECTS’ NG MGA SEN. AT CONG., DAPAT ILAAN SA AFP MODERNIZATION PROGRAM -- Matapos ang huling insidente ng harassment ng China Coast Guard (CCG) sa dalawang Philippine Coast Guard (PCG) vessels sa Ayungin Shoal, nagpabida na naman ang ilang senators at congressmen, na kesyo panahon na raw para i-modernize ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at PCG.


Kung sinsero ang mga sen. at cong. na i-modernize ang AFP at PCG para sa kapakanan ng Pilipinas, dapat isakripisyo na nila ang kanilang mga “pet projects” o pork barrel funds.


Nais nating ipunto rito, base sa napag-usapan nina Radyo 5 host Ted Failon at former Sen. Ping Lacson na may P160 billion pang-“pet projects” ang mga pro-Marcos senators at P176 billion na pang-“pet projects” ng mga pro-Marcos congressmen, ang total n’yan ay P336 billion, at kung iyan ay isasakripisyo ng mga sen. at cong. at ibigay sa AFP ay malaking bagay para sa modernisasyon ng AFP at PCG, period!


◘◘◘


NAPAKALAKING HALAGA ANG PET PROJECTS NG MGA SEN. AT CONG. KAYSA BUDGET NG AFP -- Ang mga senador at kongresista sa pabida lang magaling, na kesyo nais nilang ma-modernize ang AFP at PCG, pero pagdating sa budget deliberation ay ayaw naman lakihan ang budget ng AFP, at ang pokus ay iyong kanilang mga pang-“pet projects” kahit may kautusan na ang Supreme Court (SC) na bawal silang magpagawa ng mga project.


Tulad ngayong year 2024, mantakin n’yo mas malaki pa ang pinagsamang “pet projects” ng mga sen. at cong. na P336 B, kumpara sa ipinagkaloob nilang budget sa AFP na P285 B lang, buti sana kung ang halagang ‘yan (P285-B) ay pandagdag ng pambili ng warships, jet fighter, attack helicopter, eh, hindi naman kasi sa totoo lang, sa P285 B na ibinigay sa AFP ay nand’yan na ‘yung para sa isang taong sweldo ng mga sundalo at Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng AFP, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page