top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

VP Leni, Sen. Lacson, Sen. Pacquiao at Yorme Isko, atras sa pa-debate ni Pastor Quiboloy

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 17, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | February 17, 2022



SINO ANG MAGWAWAGI SA DEBATE, PULAHANG PULITIKO O PULAHANG MANGGAGAWA?–May kani-kanyang rason ang mga presidential candidates sa pagtanggi na dumalo sa pa-debate ni Pastor Apollo Quiboloy sa kanyang SMNI network.


Ang rason ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson, kaya hindi siya dadalo ay may inindorso na si Quiboloy na presidential candidate; si Sen. Manny Pacquiao ay nagsabing hindi siya dadalo sa pa-debate dahil may mga kasong kriminal at ginagamit umano ng pastor ang Diyos para makapang-scam; at sa parte nina Vice-Pres. Leni Robredo at Manila Mayor Isko Moreno ay may mga nauna na raw silang commitment — si VP Leni ay sa Panay Island habang si Yormenaman ay pupunta sa Samar.


Gayunman, may dalawang presidential candidate ang dadalo, at pareho silang pulahan, na ibig sabihin ay parehong “pula” ang kanilang political color — sina former Sen. Bongbong Marcos at labor leader Ka Leody de Guzman.


Sino kaya ang magwawagi sa debate sa dalawang pulahan, ang pulahang pulitiko o ang pulahang manggagawa? Abangan!

◘◘◘


P-DUTERTE, SAPOL SA STATEMENT NI MARCOS–Sabi ni BBM, kapag siya ang nagwagi at naging pangulo, muli niyang bubuhayin ang tourism industry para maipagmalaki natin sa buong mundo ang Pilipinas.


Hindi man aminin, tiyak na hindi nagustuhan ni P-Duterte ang sinabing ito ni Marcos kasi parang gobyerno niya ang sanhi kaya “namatay” ang tourism industry sa ‘Pinas, boom!


◘◘◘


FAKE NEWS YOUTUBERS, IPAKUKULONG NI KIKO PANGILINAN–Nagsampa na ng kasong cyberlibel si vice-presidential candidate, Sen. Kiko Pangilinan laban sa mga taong nasa likod ng Maharlika, Latest Chika at Starlet Youtube Channels na gumagawa ng fake news para siraan siya, ang kanyang misis na si megastar Sharon Cuneta at anak nilang si Frankie Pangilinan.


Dapat lang tuluyang kasuhan at ipakulong ni Kiko ang mga ganyang uri ng YouTubers na gumagawa ng fake news para manira ng tao, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page