Voter education booths para sa dagdag-kaalaman at tiwala ng mga botante sa halalan
ni Ryan Sison - @Boses | April 24, 2022
Higit dalawang linggo bago ang halalan sa Mayo 9, binuksan na sa ilang malls ang voter education booths ng Commission on Elections (Comelec) kung saan puwedeng masubukan ng mga botante kung paano bumoto.
Ginagawa umano ang voting experience at vote-counting machine (VCM) demonstration upang malaman ng publiko kung paano ang tamang pagboto, gayundin ang proseso sa mismong araw ng halalan.
Binigyang-linaw ng Comelec na nakalagay sa official ballot ang bilang ng dapat iboto sa bawat puwesto, at bagama’t puwedeng kulang ang boto, hindi naman dapat sumobra.
Inihalimbawa ang mga kandidato sa pagka-senador, kung saan 12 lamang ang puwedeng iboto. Malinaw umanong hindi puwedeng lumagpas sa naturang bilang, ngunit puwedeng bumoto ng 11 kandidato.
Sa demo, sinubukan ang walang shade na kandidato at isa pang sobra ang shaded tulad ng mga senador. Nakita sa voter receipt na sa walang shade, ‘abstention’ ang nakalagay at para sa sumobra ang na-shade, lumitaw ang ‘overvote’.
Isa pang paalala ng Comelec, hindi maaaring iuwi o kunan ng larawan ang voter receipts.
Hinihikayat ng komisyon ang taumbayan na pumunta at masubukan ang pagboto bago ang aktuwal na halalan nang sa gayun ay mawala ang pagdududa ng taumbayan sa hindi tugmang resulta ng VCM.
Magandang hakbang ito para sa mga first time voters para maiwasan ang kalituhan.
Kumbaga, pagdating sa voting precinct, alam na ang gagawin at walang makakaligtaang hakbang, gayundin, ‘di masasayang ang kanilang boto.
Tulad ng Comelec, hangad din natin na tiwala ang botante sa kredibilidad ng nalalapit na halalan.
Pakiusap lang natin sa komisyon, nawa’y gawin n’yo ang inyong makakaya upang matiyak na malinis at payapa ang eleksyon.
Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com





Generative AI presents new challenges for privacy, blending data use and creativity in unprecedented ways. To navigate this landscape, understanding privacy rights and controls is essential. Resources like https://privacypod.ai/ offer tools to monitor and manage personal data amid AI advancements. Emphasizing transparency in data handling and advocating for regulations can help balance innovation with individual privacy protection, ensuring technology respects boundaries while evolving responsibly.