top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Vote buying, hamon pa rin sa malinis na halalan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 5, 2023
  • 1 min read

@Editorial | September 5, 2023


Mahigit isang milyon ang nagsumite ng kanilang certificate of candidacy para sa nalalapit na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections.


Iisa umano ang kanilang hangarin, ang makapaglingkod sa publiko. Bagama’t, batid naman natin na hindi talaga lahat ay nagiging tapat sa tungkulin kapag nasa puwesto na. Posibleng sa umpisa pa lang ay iba naman talaga ang kanilang gusto -- pera, katanyagan at kapangyarihan.


Kaya maging maingat sa pagpili. Isa sa mga dapat ayawan ay silang namimili ng boto.


Kapansin-pansin na tila nagiging bahagi na ng halalan ang vote buying dahil sa napakahirap nitong labanan.


Sa ngayon, bubuo umano ang Commission on Elections (Comelec) ng “Kontra Bigay” upang tugunan ang vote buying ngayong election period.


Ang “Kontra Bigay” ay binubuo ng iba’t ibang ahensya tulad ng Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, Integrated Bar of the Philippines, National Bureau of Investigation, National Information Agency, Bangko Sentral ng Pilipinas, Anti Money Laundering Council at Philippine Association of Law School.


Kaugnay nito, binigyan din ng karapatan ang mga indibidwal na magsumbong kapag may naganap na vote buying sa isang lugar.


Marahil, hangga’t walang nasasampulan nang matindi ay hindi mawawala ang bilihan ng boto.


Kaya matinding hamon ang problemang ito na buong bayan din ang haharap pagtapos ng halalan.


Kapag nanalo ang mga namili ng boto, tiyak ubos ang pondo ng bayan dahil imposibleng ‘di nila bawiin ang ipinuhunan.


Pero kung lahat ng botante ay magkakaisa na huwag ipagbili ang boto, sa halip piliin ang mga karapat-dapat sa posisyon, titigil din ang mga pasaway sa lipunan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page