top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Vloggers, maging mabuting impluwensya, ‘wag puro pera

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 30, 2023
2 min read

@Editorial | April 30, 2023


Hindi lang views kundi kaso ang natanggap ng ilang vloggers kaugnay ng ginawa nilang prank kamakailan.


Sinampolan ng isang pulis ang grupo ng YouTube prankster matapos silang mag-viral dahil sa kanilang kidnap prank.


Isang lalaki ang kunwaring dinukot sa isang area sa Las Piñas. Ang mga dumukot na prankster ay sakay ng kotse at pawang mga naka-bonnet. Hindi nila alam na may pulis pala sa lugar at agad na rumesponde. Pinatigil ang mga sangkot sa insidente at tinutukan ng baril dahil sa pag-aakalang totoong pagdukot ang nangyayari. Hanggang sa sinabi na ng mga vloggers na prank lang ito.


Paano kung doon sa mga taong nasa lugar ay may inatake sa puso dahil sa takot o may nagtatakbo at nasagasaan? Ang pinakamalala, paano kung may ibang may baril o armas at pinalagan itong mga vloggers? Paano kung mas nagkagulo at may mga inosenteng buhay na nadamay? Puwede bang sabihin na prank lang ‘to? Masuwerte na walang napahamak.


Gayunman, hindi puwedeng suwertehin lang din ang mga vloggers na nagdulot ng gulo at banta sa publiko.


Tama lang na para hindi na maulit ang ganu’ng eksena ay ipaunawa at iparanas sa kanila na hindi prank o joke ang paggawa ng krimen.


Ayon sa mga awtoridad, posibleng makulong ng anim na taon ang mga gagawa ng ganitong prank na lalabag sa Article 53 ng Revised Penal Code o ang ‘tumults and other disturbance of public orders’.


Posible pang tumaas ang sentensya sa 12 taong pagkakakulong kapag in-upload ito sa social media sa ilalim ng Anti-Cybercrime Law.


Sa panahon ngayon na halos lahat ay babad sa internet, dapat maunawaan ng mga vlogger at social media influencer ang kanilang impact sa netizens, lalo na sa kabataan.


Hindi na biro ang vlogging ngayon, dapat na mas pinag-iisipan ang content at hindi puro income.


Alalahanin na may batas at maraming mata na nakasubaybay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page