top of page
Toni Talks - Bongbong Marcos Interview.jpg

Vlogger Francis Leo Marcos, arestado na naman

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
1 min read

by Jeff Tumbado @News | November 20, 2026



Norman Mangusin AKA Francis Leo Marcos - Mark Jayson Warnakulahewa-Facebook

Photo: Ang pag-aresto kay Norman Mangusin AKA Francis Leo Marcos - Mark Jayson Warnakulahewa-Facebook



Sa ikatlong pagkakataon, muling dinakip ng mga operatiba ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang vlogger na si Norman Mangusin, na mas kilala bilang Francis Leo Marcos, kaugnay ng umano'y ilegal na paggamit at pagsusuot ng uniporme ng pulisya.


Matapos ang pag-aresto, dinala si Mangusin sa Camp Crame kung saan siya kasalukuyang nakakulong.


Ayon sa report, isinagawa ang pag-aresto nitong Huwebes ng hapon dahil sa umano'y walang pahintulot na pagsusuot niya ng uniporme ng pulisya, na maaaring lumabag sa mga batas na nagbabawal sa ilegal na paggamit ng mga uniporme at insignia ng mga awtoridad, gayundin sa pangangamkam o panggagaya ng kapangyarihan ng isang opisyal.


Hindi ito ang unang pagkakataong nasangkot si Mangusin sa pag-aresto ngayong taon.

Noong Oktubre 5, 2026, inaresto rin siya ng PNP-CIDG sa Parañaque City batay sa warrant of arrest na inilabas ng Parañaque Regional Trial Court Branch 294 kaugnay ng tatlong bilang ng cyberlibel.


Pinalaya siya noong Oktubre 7 matapos maglagak ng piyansang P30,000 para sa bawat kaso, o kabuuang P90,000.


Noong Pebrero 2026, inaresto rin siya kaugnay ng ilang bilang ng unjust vexation.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page