Virtual Card para sa Online Shopping
ni Fely Ng - @Bulgarific | August 05, 2021

Hello, Bulgarians! Kasabay ng paglago ng online shopping, mula sa food delivery hanggang groceries at mga libangan, ang pagdami ng hinihiling na serbisyo ng mga mamimili, tulad ng flexibility, mas madaling paraan ng pamimili, at karagdagang kontrol sa mga gastusin. Para tugunan ito, inilulunsad ng BDO at American Express ang BDO American Express Virtual Card.
Naka-link sa pangunahing card ng may-ari, ang Virtual Card ay may sariling credit card number at credit limit na maaaring palitan upang malimitahan ang paggastos at nagbibigay din ng dagdag-seguridad sa account information. Sa ganitong paraan, nakukuha ng cardholder ang kaparehong mga benepisyong ibinibigay ng kanilang primary card kapag sila ay namimili online gamit ang Virtual Card.
Ayon kay BDO Senior Vice-President and Consumer Banking Marketing Head Nannette R. Regala, “Sa pamamagitan ng BDO American Express Virtual Card, natutulungan namin ang mga card members na tugunan ang kanilang pag-aalangan sa online credit card payments at nagbibigay sa kanila ng kasiguraduhang maaari silang makapamili online nang may kumpiyansa.”
Kasabay ng paglago ng ecommerce, ang BDO American Express Virtual Card ay napapanahong karagdagan sa iba’t ibang card products ng BDO at American Express.
“Suportado ng advanced fraud protection ng American Express, ang aming mga card ay segurado. Naiintindihan naming mas komportable ang ibang customer na gumamit ng hiwalay na credit card number para sa mga transaksiyon online. Palagi kaming naghahanap ng paraan upang mapalago at mapagbuti ang aming mga produkto at serbisyo para matugunan ang mga nagbabagong pangangailangan sa pagbabayad ng aming mga customer – at ang Virtual Card ay kaya itong gawin,” ayon kay Sanjiv Malhotra, Vice-President and General Manager, Global Network Services, South East Asia and South Pacific, American Express sa wikang Ingles.
Libre ang pag-aapply ng Virtual Card para sa mga mayroong BDO American Express Card. Ito ay nagbibigay ng benepisyo tulad ng:
Maramdaman ang higit na seguridad sa pamimili online
Mai-set ang credit limit ayon sa pangangailangan
Madaling masubaybayan ang bawat transaksyon online
Mag-ipon ng Rewards Points sa bawat transaksyon na may kaparehong halaga sa pangunahing credit card
Sa karagdagang kaalaman tungkol sa BDO American Express Virtual Card, bisitahin ang americanexpress.com.ph.
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.





Comments