top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Virgin Coconut Oil, ginamit na gamot sa COVID-19 sa Cebu City

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 20, 2020
  • 1 min read

ni Thea Janica Teh - | July 20, 2020




Kinilala ang virgin coconut oil o VCO sa Cebu City dahil ito umano ang dahilan kung bakit walang naitatalang kaso ng COVID-19 sa Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center (CPDRC).

Ibinahagi ni Professor Fabian Dayrit ng Ateneo de Manila Umiversity (ADMU),l at kasalukuyang Vice-President ng National Academy of Science and Technology (NAST) ang resulta ng pag-aaral kasama si Dr. Jose Ray Mondejar. Ayon sa kanila, gumaling ang 20 inmates na nakararanas ng sintomas ng COVID-19 sa pag-inom lang ng isang kutsara ng VCO, araw-araw.

Sa kaniyang presentasyon na “The Potential of Coconut Oil as an Antiviral and Immunomodulatory Agent Against COVID-19” sa zoom webinar, sinabi ni Dayrit na ang naging resulta sa pag-aaral na ang VCO ay maaaring makapagpagaling ng taong may virus.

Bukod pa rito, ibinahagi rin ni Dr. Mondejar na bukod sa 20 inmates, uminom din ng VCO ang mga empleyado sa kulungan at ‘tila nagkaroon ng immunity sa virus kahit na dumarami ang naitatalang bilang sa Cebu City.

May sampung CPDRC guard na nagpositibo sa COVID-19 ang nagboluntaryo na sumali sa treatment program na ito nina Dayrit at Mondejar.

Ayon sa report, bukod sa pagpapainom ng VCO, sumailalim din sa ibang treatment protocol ang mga nagpositibo. Ilan sa mga ito ang steam inhalation at pag-inom ng turmeric juice.

Pinamumunuan sa ngayon ni Dayrit ang pag-aaral sa VCO bilang epektibong gamot laban sa COVID-19 kasama ang Duke University- National University of Singapore na nagbigay na nagbigay ng donasyon sa Department of Science and Technology.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page