P4 taas-presyo sa diesel
- BULGAR

- 7 hours ago
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | July 11, 2026

Photo: File
Posibleng tumaas ng P2 hanggang P4 kada litro ang presyo ng diesel sa susunod na linggo dahil sa tumitinding tensyon sa Gitnang Silangan na nakaaapekto sa pandaigdigang suplay ng langis.
Batay sa unang apat na araw ng kalakalan sa Mean of Platts Singapore (MOPS) at foreign exchange averages, inaasahang ipatutupad ang dagdag-presyo sa Hulyo 14.
Samantala, inaasahang maliit lamang ang magiging galaw sa presyo ng gasolina, na maaaring magkaroon ng hanggang P1 kada litrong rollback o pagtaas.
Ayon sa ulat, nananatiling mataas ang demand para sa diesel habang limitado ang
suplay sa pandaigdigang merkado.
Nakadagdag din sa pangamba ang posibilidad na maantala ang pagluwas ng diesel mula Russia dahil sa tumitinding pag-atake ng mga drone ng Ukraine.





Comments