Dagdag-singil sa kuryente
- BULGAR

- 10 hours ago
- 1 min read
ni Mervin Reyes @News | July 11, 2026

Photo: File
Nagpatupad ang Manila Electric Company (Meralco) ng P0.3428 kada kilowatt-hour (kWh) na dagdag-singil sa kuryente ngayong Hulyo, dahilan upang umakyat sa P14.8261 kada kWh ang kabuuang rate mula sa P14.4833 kada kWh noong Hunyo.
Katumbas ito ng humigit-kumulang P69 na dagdag sa buwanang bayarin ng mga kabahayang kumokonsumo ng 200 kWh.
Ayon sa Meralco, pangunahing dahilan ng pagtaas ng singil ang mas mataas na generation charge dulot ng pagmahal ng presyo ng fuel at pagtaas ng singil mula sa Power Supply Agreements (PSAs), na naapektuhan ng tensyon sa Middle East.
Nadagdagan din ang singil sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) bunsod ng mataas na demand sa Luzon, gayundin ng pagtaas sa transmission charges, buwis at iba pang bayarin.
Samantala, pinalawig ng Energy Regulatory Commission (ERC) hanggang Agosto 2026 ang suspensyon sa paniningil ng P0.0371 kada kWh Green Energy Auction Allowance (GEA-All).
Nilinaw naman ng Meralco na hindi nagbago ang distribution charge nito mula nang ipatupad ang P0.0360 kada kWh na bawas-singil para sa residential customers noong Agosto 2022.





Comments