top of page
Search

Viral 'Starstruck' haircut ni Kris Bernal, hindi scripted

BULGAR

ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | January 14, 2024




Pinatotohanan ni Kris Bernal na hindi scripted ang mga luha niya nang siya'y umiyak matapos makita ang kanyang bagong gupit sa isa sa mga episode ng "Starstruck," na ipinalabas ng higit sa isang dekada na ang nakakaraan.


Isa si Kris sa mga kalahok sa ika-apat na season ng talent reality search ng GMA-7 na "Starstruck" noong 2006.


“Mahaba kasi talaga ‘yung buhok ko ta’s biglang ginupit nang gano’n,” paliwanag ni Kris sa TikTok na video na in-upload ng vlogger na si Viy Cortez.


“'Di siya scripted kaya ‘yung iyak ko grabe. First time ko nga," dagdag niya.


Nang tanungin ni Viy kung dapat ba na octopus ang inspirasyon sa haircut, nagbiro naman si Kris na baka ginaya ng stylist ang gupit mula sa paboritong Japanese snack na Takoyaki.


“Umiiyak ako dahil ginupitan akong gano’n kaikli. Tapos, bawal akong umangal,” aniya.

“Pero ayoko nang magpagupit nang gano’n,” dagdag ni Kris.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page