Vincent, naiwan sa ‘Pinas… BEA, MAG-ISANG NAG-CELEBRATE NG B-DAY SA SPAIN
- BULGAR

- 2 minutes ago
- 3 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | November 9, 2025

Photo: Bea Alonzo
Nagniningning ang ganda ni Bea Alonzo sa launching niya bilang endorser ng NUSTAR Online last Friday.
Kasabay ni Bea na ini-launch si Andrea Brillantes na isa rin sa mga endorsers.
Puring-puri ng mga taga-media ang ganda at maaliwalas na aura ni Bea that night.
“Happy lang. Happiness talaga keeps you pretty,” pag-amin ni Bea.
Ngayon lang daw naramdaman ni Bea na hindi siya naghahabol at feeling balanse na ang kanyang life.
“I don’t know if it comes with age or experiences, or the people you surround yourself with. I think that’s very important because right now, there’s a certain type of, I don’t know, that comes with that happiness. So, parang okay s’ya,” sabay tango ni Bea.
Noong birthday pala ni Bea ay mag-isa lang siyang nagpunta sa Madrid, Spain – kung saan meron siyang sariling apartment – pagkatapos niyang mag-celebrate ng birthday sa Pilipinas last October 17.
“I went to Madrid last week. Nag-celebrate ako ng birthday ko dito and then I went to Madrid by myself last week. I like doing it na parang, kasi residente na ako. I like visiting and okay siya. Kasi parang local ka,” kinikilig na sabi ni Bea.
Pagpapatuloy niya, “But you know, you got to enjoy the weather. So parang that’s my happy place.”
Meron daw property manager si Bea na nagbabantay ng kanyang apartment sa Madrid.
Pagbalik niya ng Pilipinas, nag-ready na si Bea para sa malaking promotional campaign ng NUSTAR Online with Andrea.
“I like that NUSTAR is actually supporting and celebrating creativity on the big stage because we all know Filipinos are very talented, you know. And now we get to show the world what we can do,” pahayag ni Bea.
Ang #TheStarsHaveArrived NUSTAR Online Press Launch ay nagmarka ng inspiring milestone in our journey toward redefining prestige and experience.
Sa pagsasanib-puwersa nina Andrea at Bea sa event, ang kanilang kagandahan at presence ay nagpaangat ng selebrasyon sa bagong level. Ito ay isang gabi ng pagkamalikhain at pagdiriwang, isang sandali na nagpakita ng kinang ng kung ano ang darating.
May mga naka-lineup pa raw na proyekto si Bea na gagawin for the rest of the year, pero nothing’s final pa as of the moment.
Kasabay nito ay nagpo-focus daw siya sa kanyang business at take note, sa kanyang personal life.
“But it will come. It will come ‘pag dumating ‘yung tamang proyekto. Alam mo naman ang mga artista, may etch (mood) ‘yan, eh, ‘di ba? ‘Pag nakita mo ‘yung tamang proyekto sa ‘yo, parang kahit na kalmado ako ngayon, I will get out of my shell to do something,” esplika ni Bea Alonzo.
PERSONAL na inihatid ni It’s Showtime host Karylle ang award ng kanyang grandfather, ang former boxing referee na si Sonny Padilla, sa bahay nito sa Las Vegas, USA.
Si Sonny ay ama ng kanyang ina na si Zsa Zsa Padilla at isang kilalang international boxing referee.
Isa sa kanyang mga iconic boxing matches bilang referee ay ang laban ng mga boxing legends na sina Muhammad Ali at Joe Frazier III na ginanap sa Araneta Coliseum noong 1975, ang Thrilla in Manila.
Ipinost ni Karylle ang larawan nila ng kanyang grandparents sa bahay ng mga ito sa Amerika, hawak ang award ng kanyang Lolo Sonny.
Caption ni Karylle, “‘Di lang pampamilya, pang-Thrilla in Manila 50th anniversary pa.
“My lolo missed the big anniversary celebration in Araneta Coliseum last week, so I represented him when they gave him an award and I also sang the national anthem for the main event with @iamjohnsaga and @kimnemenzo_official.
“As the eldest apo, I felt it would be great to make him happy, so I flew to Vegas to bring him his award. It all worked out ‘coz I flew with my miles and road-tripped with my sister Coco and her husband Julius and the boys. Thanks, family!
“Love u all, we love you, Lolo. Get well soon (heart emojis). Thanks for all your prayers!”
Sa isang recent IG post din ni Karylle, binanggit niya na nagkita rin sila sa U.S. ni DJ Mo Twister.
“P.S. A quick visit with my boss? Radio partner @djmotwister. Who would’ve known I would help you move into your new place? Hahaha! Kidding!”
Tanong tuloy ng mga netizens, isasama kaya ni DJ Mo sa nilipatan niyang bahay ang anak nila ni Bunny Paras na si Moira, na may rare disorder?








Comments