top of page
BULGARY - VINCENT CO, TODO-IWAS SA MEDIA-FB Caesar Vallejos.jpeg

Vincent at parents, happy together sa ‘Pinas… BEA, IYAK NANG IYAK SA SPAIN, SINAMAHAN NG PAMILYA AT MGA BFF

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 5 hours ago
  • 4 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 16, 2026



Bea Alonzo

Photo: IG Bea Alonzo



Ngayong Sabado (May 16, 2026) na sana ang inaabangang “Big Day” ng mga fans and supporters ni Bea Alonzo dahil sa unang napabalitang Wedding of the Year nila ng billionaire BF na si Vincent Co sa Spain.


Pero isang linggo bago ang rumored wedding, kumalat nga ang balitang hindi na matutuloy ang kasalang Bea-Vincent.


Hindi raw kasi pinirmahan ng aktres ang prenuptial agreement na hinihingi ng pamilya ng fiance dahil sa ilang kondisyon na ang kalalabasan ay talo si Bea.


Isang source ang hiningan namin ng update at tinanong kung true bang sinuyo at ipinaglaban ni Vincent si Bea sa kanyang mga magulang para lang matuloy ang kasal.


Sagot nito sa amin, hanggang ngayon ay nasa ‘Pinas pa si Vincent at in fact, kumalat nga ‘yung picture nito kasama ang amang si Mr. Lucio Co sa ginanap na Aling Puring Sari-Sari Convention ng Puregold last May 14.


Dagdag na chika pa ng source, nakita rin daw ang parents ni Vincent na kumakain sa isang resto at sa hitsura nila, mukhang kalmado lang naman daw at walang traces na apektado sa ingay ng hindi natuloy na kasal nina Bea at Vincent.


Samantala, isa pang source ang nagtsika naman sa amin na nasa Spain nga ngayon si Bea at kasama ang kanyang pamilya at ilang kaibigan tulad ng mag-asawang Dimples Romana at Boyet Ahmee.


Iyak daw kasi nang iyak si Bea at para hindi masayang ang plane ticket ng pamilya at mga kaibigan niya, itinuloy na lang din ang pagpunta sa Spain para damayan ang aktres sa kanyang kalungkutan.


Well, sa ngayon, wala pa talagang update kung hiwalay na ba talaga sina Vincent at Bea. Baka naman puwede pang maayos at mapag-usapan at i-reschedule na lang uli ang kasal kapag nagkasundu-sundo na sila.





Pati si Mariel, damay sa pagkampi sa mister…

SIGAW NG NETIZENS: SEN. ROBIN, TRAPO!



Idinadamay na rin ngayon ng mga netizens na galit kay Sen. Robin Padilla ang misis niyang si Mariel Rodriguez-Padilla.


Sa isang Facebook post ni Mariel ng press release na may title na “Padilla Calls for Stronger Senate Security, OSAA Modernization Following Security Incident”, dumagsa ang comments na karamihan ay banat hindi lang kay Sen. Robin, kundi pati si Mariel ay idinadamay na rin.


Ilan sa mga comments ay, “Ang ganda ng script. Good job Sir. Legend ka talaga pagdating sa pelikula. May part 2 ba ‘yan?”


“Ganda idol ng scene kagabi. Nakatakas kontrabida sa Senado at tinulungan mo pa.”

“Pinatakas po nila si Bato. Nagdrama pa sila na nagkagulo. Magaling talaga na aktor si Robin.”


Galing ang hinalang ito ng mga netizens matapos makita si Robin sa NAIA ilang oras lang makaraang magkagulo sa Senado dahil sa shooting incident, kung saan pagkatapos nu’n ay bigla na lang naglaho si Sen. Bato Dela Rosa.


Ang paniwala ng marami ay tinulungan ni Sen. Robin na makatakas ang kaibigang senador.


Sabi pa ng ilang netizens sa comment section ng post ni Mariel, “You are now same trapo.”


“Kaya pa ba ng konsensya mo, Mariel?”


“Normal na kampihan ang asawa kahit mali. Haha! Nasa blind stage pa s’ya.”

Pero meron din namang ilang sumusuporta pa rin sa mag-asawa at nagsasabing tiwala pa rin sila kay Sen. Robin Padilla.

Well….





MAGAGANDA, ang guguwapo at mukhang matatalino ang mga kandidatang kasali ngayon sa Mister & Miss Lipa Tourism 2026.


Iniharap at ipinakilala sa local at national press ang 10 Mister Lipa Tourism at 10 Miss Lipa Tourism 2026 candidates sa giinanap na press presentation last Monday sa The Sosyal Place sa Lipa, Batangas.


Kabilang sa 10 Miss Lipa Tourism 2026 sina: Danelle Erich Lee Rodelas, Allyza Joyce Lescano, Chloe Andrea Delos Santos, Tania Endozo, Frances Isabel Macatangay, Kate Danielle Morales, Princess Lyka Virrey, Felyciti Claire Marin, Precious Fajardo at Ma. Erica Valenzuela.


Pasok naman sa Mister Lipa Tourism sina: Jhoma Edd Polega, John Emmanuel Macasaet, Ghenno Camacho, Marlo Anthony Parco, Justine Velasquez, Glen Wendel Masupil, Johan Miguel Piñon, Mohammad Reza Junior Gholami, Vincent Emmanuel Sayas at Kenzo Guillermo.


Standout sa mga babae ang Candidate No. 2 na si Allyza Joyce Lescano dahil pagrampa pa lang nito, marami nang nakapansin sa malaking pagkakahawig niya kay Nadine Lustre.


Hindi raw siya proud kundi honored na sinasabing kamukha ni Nadine. Opportunity naman daw ito para sa kanya pero kailangan pa rin niyang patunayan ang kanyang sarili at ipakita ang kanyang kakayahan para maging deserving sa crown bilang Miss Lipa Tourism 2026.


Kaga-graduate lang ng Grade 12 sa La Salle Lipa ng 18-year-old athlete na si Alyzza na minsan na rin palang nag-audition sa isang reality show ng TV network pero hindi siya pinalad na makapasok.


Samantala, tinanong namin ang ilang candidates kung sino’ng celebrity ang gusto nilang dalhin at ipasyal sa Lipa kung sakaling sila ang mag-uuwi ng crown.


Sabi ni Miss Lipa Tourism Candidate No. 6, sina Anne Curtis at Daniel Padilla ang bet niya at gustong ipatikim sa aktres ang lomi na signature food ng Batangas.


Sagot naman ni Mister Lipa Tourism Candidate No.5, si Piolo Pascual daw ang gusto niyang dalhin sa Mount Malarayat para mag-bonding sila sa golf.


Oh, well, sa dami ng magagandang lugar sa Lipa at ang sasarap pa ng food, tiyak na marami silang magiging bonding moments kung sakali.


Pero siyempre, abangan muna kung sino ang tatanghaling Mister and Miss Lipa Tourism 2026 sa Coronation Night na gaganapin sa June 20.


Ang Mister & Miss Lipa Tourism 2026 ay taunang project ni Konsehala Venice Manalo ng Lipa, Batangas sa tulong ng Lipa Tourism Council sa pamumuno nina Joel Umali-Peña at Aylene Acorda.


Present din sa ginanap na press presentation si Lipa Mayor Eric Africa.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page