top of page

VINCE, PINAAMIN SI JAY KUNG NAKATIKIM NA NG KAPWA LALAKI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 16, 2023
  • 4 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | June 16, 2023




Sumabak muli ang award-winning actor na si Vince Rillon sa mapanghamong role niya bilang si Patrick sa latest Vivamax film na Hosto.


This time, ang veteran actor na si Jay Manalo ang nakasama ni Vince sa nasabing Vivamax film, kung saan ay may mga maiinit silang eksena.


Kung hindi kami nagkakamali, first time na gumawa ni Vince ng kissing scene sa kapwa niya male actor. Kaya, inusisa siya agad sa kanyang kissing scene with Jay sa Hosto.


“Wala… ano, work lang. Trabaho lang. Lahat naman nu’ng kissing scenes ko, parang passionate naman, ‘di ba? Saka, lahat ‘yun, walang dila ‘yun. Lahat ‘yun, lips lang. Lips lang, pero may higop,” paglalarawan ni Vince sa kissing scene niya with Jay.


Parang kuya kasi ang turing ni Vince kay Jay. Kapag nagkikita raw sila nito ay marami silang pinagkukuwentuhan.


Isa na nga sa mga ito ay ang pagpunta at pagtatrabaho ni Jay sa Japan hanggang sa kissing scene nila sa Hosto.


Kuwento ni Vince, “Sabi ko, ‘Kuya Jay, mag-ahit ka naman.’ Sabi ko, 'Nakikiliti ako.' Sabi niya, ‘Hindi, nag-ahit na ako!’ Sabi ko, ‘Bakit ganu'n? Meron pa rin,’ ganyan-ganyan. Tapos, pagdating pa lang daw niya rito, bakla na siya. Talagang dyowa na raw niya ako.


“Akala ko nu’ng una, pinagtitripan lang niya ako. So, ganu’n pala siya. Hindi siya ka-solid na alam mo ‘yun. Basta pagpunta niya, ayun ang role niya, bakla siya, ganyan. Hindi pa nagte-take, nilalandi na niya ako sa kama. Ginaganu’n niya ako, ‘Hmmmnn!’ Inaamuy-amoy niya ako. “Sabi ko, ‘Kuya, naka-experience ka na ba ng ganito, ganyan-ganyan?’ Tapos ‘yun nga, ru’n kami nagkaroon ng connection. Sabi niya sa akin, ‘Akting lang ‘to, hayaan mo ako.’ ‘Sige, Kuya, sundan kita. Ikaw ang gumalaw.’ So ayun, inalalayan ako ni Kuya Jay, kaya nagpapasalamat din ako sa kanya.”


Nakausap namin si Vince sa private screening at mediacon ng Hosto na ginanap sa Centerstage Productions Office sa may Busilak St., Mandaluyong City.


Si Vince ay itinanghal na Best Actor sa 19th Asian Film Festival sa Rome noong nakaraang taon para sa kanyang pagganap sa Resbak sa direksiyon ni Brillante Mendoza.


Sa Hosto ay ginampanan ni Vince ang role ni Patrick na isang mapagmahal na asawa kay Jenny (Alexa Ocampo), pero magkakaroon ito ng ugnayan sa isang gay benefactor na si Daniel (Jay) na tutulong sa kanya upang makakuha ng student visa sa Japan.


May mga love scenes din si Vince kina Alexa at Angela Morena na siyang nakasama niya sa souvenir shop na isa sa mga trabahong pinasok niya sa Japan.


Plus, may love scene rin si Vince sa isang Japanese actress who played as one of his customers sa club na pinasukan niya. Kasama rin sa Hosto sina Ali Asistio, Denise Esteban, Isadora at Rey “PJ” Abellana.


May nagtanong kay Vince kung hindi ba siya na-pressure sa kissing scene nila nu’ng Japanese actress.


“Hindi po kasi hindi rin siya marunong masyadong mag-Ingles kaya palaban din po ako, eh.


Pure Japanese siya, pure Filipino naman ako. So, it’s a tie,” birong-seryoso ni Vince.


Tinanong din si Vince kung meron bang ibinigay na mga tips sa kanya si Jay sa pagganap niya bilang hosto sa nasabing Vivamax movie.


“Si Kuya Jay, ano, eh. Kapag kinausap mo, hindi mo alam minsan kung nagbibiro or seryoso, or ano. Gaya nga ng sabi ko, dumating siya rito na halos parang ‘yung karakter niya sa movie. Ang tip niya (sa akin), ‘Akting lang ‘to.'


“Kapag nagtatanong ka sa kanya, sasabihin niya, ‘Akting lang ‘yan, ano ka ba?’ So, kailangan talaga, bilang ikaw, alam mo na ang limitasyon mo sa sarili mo. Ayun po,” tugon ni Vince.


Dalawang pelikula ang ipinrodyus ni Direk Brillante sa Japan, ang Hosto at ang Japino.


And since nasa Japan na sila, binigyan na rin sila ng pagkakataon ni Direk Brillante na i-enjoy ang sikat na bansa.


Pahayag ni Direk Brillante, “We were able to explore Japan since dalawa ‘yung projects doon.


So, we were able to explore and see the city kasi parang ano na rin ‘yun, eh, incentive nila ‘yun.


Kasi parang siyempre, ayaw din namin na, alam mo ‘yun?


“Saka, we don’t shoot hanggang madaling-araw. In fact, a lot of times, we were only filming half day lang. Mga after lunch, mga 5 (PM), tapos na kami. Tapos, puwede na silang mamasyal.


“Kasi para ‘yung trip sa Japan, hindi lang siya para ano, it’s a trip for everyone, for us to enjoy our work. And I think that’s also our one way of parang letting the actors realize na, ‘Okey, meron kayong trabaho, but at the same time, you can enjoy ‘yung mga amenities or you can enjoy ano, ‘yung privilege.' At the same time, I think that would also make them realize the value of their work.


“So, parang that’s what I believe in, ‘yung bigyan mo sila ng kaligayahan, kasiyahan and then, they will give it back. And I think with their performance, it was all believable and commendable.”


Ang Hosto ay ang ikalawang pelikula ni Direk Jao Daniel Elamparo for this year na ipinrodyus ni Direk Brillante para sa Vivamax na magsisimulang mapanood ngayong Huwebes, June 16.


Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page