PBB housemate, biglang level-up… SHUVEE, LEADING LADY NA NI DINGDONG
- BULGAR

- Aug 22
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | August 21, 2025

Image: Dingdong at Shuvee - GMA Network
Katabi ni Dingdong Dantes si Shuvee Etrata sa storycon ng Master Cutter (MC) dahil second lead ito sa action series ng aktor. Hindi lang siya second lead, isa rin siya sa love interest ng karakter ng aktor. Ibig sabihin, isa siya sa main cast at tama lang na katabi siya ni Dingdong.
Sa video na napanood namin, makikitang ayaw pa sanang umupo ni Shuvee sa chair na itinuro sa kanya at kung saan may name plate siya. Saka lang siya umupo nang ipaliwanag sa kanya kung ano ang role niya.
“Hindi ko po sukat-akalain kasi nga po, sabi ko, of course I wanna hone (sharpen) my skills into acting. I know there’s a busy schedule now with brands endorsements, etc.,” wika ni Shuvee.
“Pero with acting kasi, it’s part of me na gusto kong patunayan na lang ‘yung sarili ko na kaya ko. So, sabi ko sa management, I’m willing to do anything kahit na ano’ng ibigay nila sa akin. Kasi alam ko, hindi nila ako bibigyan ng something na hindi ko kaya,” dagdag ni Shuvee.
Kuwento pa ni Shuvee, nang malaman niyang magiging part siya ng MC, ine-expect niyang minor role lang ang kanyang gagampanan. Kaya nagulat na lang siya nang malamang isa siya sa lead characters ng series.
Ang tanging nasabi ni Shuvee ay ‘privilege’ and ‘an honor’ for her to be in the cast.
“As long as I’m with Kuya Dong, it’s already a privilege, it’s already an honor. Rest assured, of course, now that they’ve given me this chance, I’m gonna do my best to help and improve and actually make the most of it,” pagtatapos ni Shuvee.
And speaking of Shuvee, sunud-sunod pa rin ang endorsements niya. Magkasunod na araw ang kanyang contract signing for her two new endorsements.
Semi-regular host din siya ng It’s Showtime (IS) at kasama siya sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry movie nina Vice Ganda at Nadine Lustre na Call Me Mother (CMM).
Hindi lang ang paggaling ni Kris Aquino ang ipinagdarasal ng mga nagmamahal sa kanya, kundi ‘wag ding maapektuhan ang vital organs niya sa dami ng gamot na iniinom.
May concerned supporter na nagtanong kung kumusta na ang liver, kidney at heart ni Kris sa dami ng medication na tine-take niya every day. Sana raw, ma-monitor ang vital organs ni Kris na for sure, ginagawa ng kanyang mga doctor.
Kasama rin sa mga prayers na gumaling na si Kris ay para ma-enjoy ni Bimb ang buhay teen-ager, na in fairness, normal naman ang buhay ng bunso ni Kris.
Pero malaking tulong si Bimb sa mom niya at may mga naiyak nga nang makita ang post ni Kris na habang nasa ospital siya, nasa tabi niya si Bimb at natutulog.
FAMILY and friends ang invited ni Roderick Paulate sa advance screening ng movie niyang Mudrasta: Ang Beking Ina (MABI). Kami at ang ibang press people ay kasama sa “friends list” ni Dick, ang nasa “family list” niya ay ang mga kapatid na in full force sa pagsuporta sa kanya.
Lumapit kay Pilar Mateo ang Ate Loida ni Dick para ibalitang kasama niya ang mga kapatid. Apat yata silang present at isang kapatid lang nila ang wala. Siguradong nasa advance screening din ang ilang pamangkin ni Dick.
Tiyak ding natuwa ang mga kapatid ni Dick sa pelikula niya na puno ng katatawanan at pagmamahal sa pamilya at sa minamahal. Sabi nga namin sa kanya, love story pala ang Mudrasta na sinagot nito ng “Love story with comedy” na siyang totoo.
Naaliw kami na may manika sa story,
parang story ng Guy & Pip nina Nora Aunor at Tirso Cruz III.
Comment pa ng ibang press, kaya nakakatawa ang movie dahil ‘90s comedy ang treatment ni Direk Julius Ruslin Alfonso na hinaluan ng comedy at situation now.
Kaya makaka-relate ang GenZ sa story, lalo na sa karakter ni Elmo Magalona na beki pala at may dyowa. Mabuti at pumayag ito sa role na ibinigay sa kanya ng CreaZion Studios.
Anyway, after ng Mudrasta, wish ng mga fans ni Dick na gumawa pa siya ng maraming comedy movies. Sana raw, hindi abutin ng ilang taon bago masundan ang pelikula niya ngayon na showing sa more than 100 cinemas nationwide.








Comments