top of page

Ibang-iba raw talaga kay Vice… SIGAW NG FANS: COMEDY NI RODERICK, WALANG NABABASTOS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 20, 2025
  • 3 min read

Updated: Sep 5, 2025

ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 20, 2025



Roderick Paulate via Bulgar

Photo: Roderick Paulate via Bulgar


Sulit na sulit ang ilang taong pamamahinga ng legendary actor-comedian na si Roderick Paulate sa paggawa ng comedy films sa kanyang pagbabalik ngayon sa mga sinehan via Mudrasta: Ang Beking Ina.


Napanood namin ang Mudrasta sa ginanap na advance screening ng CreaZion Studios para sa pelikula ni Kuya Dick na showing na today, August 20 in cinemas nationwide.

Almost present ang lahat ng kasama sa cast maliban sa leading man ni Kuya Dick na si Tonton Gutierrez, na we learned na nagkasakit pala after ng show nila sa Davao kaya hindi nakarating that night.


Of course, nandu’n si Ms. Carmi Martin na isa sa mga BFF ni Kuya Dick in real life at malaki rin ang role sa movie bilang old Awra Briguela.  


May mga nag-abang naman kung darating si Diamond Star Maricel Soriano bilang suporta sa kanyang kaibigan, pero ayon kay Kuya Dick, hindi niya alam kung naimbitahan ito ng production. 


Aba, malay natin, bigla na lang magpa-block screening si Marya ng Mudrasta in support of Kuya Dick.


Anyway, walang etchos pero lahat ng nanood ng Mudrasta: Ang Beking Ina ay masayang lumabas sa sinehan at ang ilan ay isa-isa pang lumapit kay Kuya Dick para batiin ito sa walang kupas at napakahusay na performance sa pelikula.


Si Kuya Dick lang talaga ang nag-iisang makakapagpatawa at makakapagpaiyak sa mga manonood nang hindi hilaw at sa halip ay tagos sa puso.


All-praises din ang ilang fans niya habang palabas ng sinehan at may naringgan pa nga kami ng comment na “Kahit bakla ang role niya at nagpapatawa siya, ibang-iba siya kay Vice (Ganda), wala siyang nabastos. At may aral ang movie na talagang pampamilya at wholesome kahit pa may temang LGBTQIA.”


Naku, ha? May comparison talaga?


Well, magkaiba naman talaga ng brand of comedy sina Kuya Dick at Vice.

Si Kuya Dick, sabi nga niya, kahit gay pa ang role niya, gusto niyang lumabas na wholesome pa rin at fun-fun lang, kaya ayaw niyang may ka-kissing scene para mapanood pa rin ng mga bata.


Si Vice naman, nakilala sa mga punchline niyang bentang-benta sa mga comedy bars at nagkaroon siya ng market sa ganu’ng style kaya sumikat din siya nang husto.


‘Wag na silang pagkumparahin, instead, parang mas magandang idea ‘yung pagsamahin sila sa isang drama-comedy film na de-kalidad at makabuluhan. ‘Yung tipong hinahanap ni PDP Deputy Speaker Atty. Ferdinand Topacio na puwedeng ilaban sa ibang bansa dahil sa world-class nitong appeal at quality.


Anyway, mula sa direksiyon ni Julius Ruslin Alfonso, kasama rin sa Mudrasta: Ang Beking Ina si Ms. Celia Rodriguez, ang magkapatid na Elmo at Arkin Magalona, sina Debbie Garcia, Ruby Ruiz, Ms. Odette Khan, Sunshine Teodoro, Raven Molino, Emman Dela Cruz, Mel Kimura, and Joel Saracho. 



Gusto raw ng growth… 

BELLE, ENJOY KAHIT ‘DI NA KASAMA SI DONNY





FOURTEEN years na palang loyal Kapamilya ang new gen phenomenal actress at singer na si Belle Mariano at nu’ng Lunes, pormal siyang nag-renew ng kontrata sa ABS-CBN sa naganap na Forever Kapamilya: Born To Shine contract signing.


“I’d just like to thank each and everyone of you who champions me. Maraming

salamat po to our ABS-CBN bosses, thank you for making ABS-CBN a home for me. To everyone who’s been supportive of my journey, I dedicate all these years for you,” saad ni Belle.


Sa muli niyang pagpirma ng kontrata, “growth” ang nilu-look forward ni Belle na nagsimulang child star at gumaganap noon bilang young Carmina Villarroel sa mga serye.


Marami na raw siyang pinagdaanang pagsubok sa kanyang career sa loob ng 14 yrs. pero hindi siya tumigil at marami pa siyang pangarap na marating.


Sa bagong movie ni Belle na Meet, Greet & Bye kasama sina Piolo Pascual, Joshua Garcia, Juan Karlos Labajo, at Maricel Soriano, hindi muna niya kasama ang ka-love team na si Donny Pangilinan.


Pero ani ng aktres, bagama’t “she loved working with Donny” sa Can’t Buy Me Love, ine-enjoy naman niya ang mga bagong natututunan na wala ito sa tabi niya.

Aside from acting, maglo-launch din si Belle ng bagong album sa ilalim ng record label na StarPop, na susundan ang mga patok niyang album na Daylight, Somber And Solemn at Believe.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page