top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Vilmanians at Noranians, this is it! VILMA, BINABASA NA ANG SCRIPT NG MOVIE NILA NI NORA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 3, 2023
1 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | June 3, 2023



Talagang bongga at pasabog ang naging Zoom meeting namin with Vilma Santos, our dearest idol, friend and kumare for all seasons. Hahaha!


Ibinalita nito sa aming tinatapos na niya ang dubbing sa nagawa nilang movie sa Japan ni Christopher de Leon na When I Met You in Tokyo.


Meron kasi silang naka-schedule na bakasyon sa USA dahil halos tatlong taon na rin niyang hindi nakaka-bonding ang mga kapatid sa Amerika dahil sa COVID.


"Every year kasi, naisisingit pa namin ang pumunta ru’n o sila ang pumunta rito. Pero nang dahil sa pandemic, talagang na-miss namin ang isa't isa, kaya this June, pupunta kami ru’n," sey ni Ate Vi.


Excited na excited na rin ang Star for All Seasons sa pagbabalita sa amin tungkol sa mga binabasa niyang proposed scripts ngayon.


Patuloy daw ang pakikipag-usap at meeting niya kina Direk Erik Matti, Star Cinema at Adolf Alix para sa magkakahiwalay na proyekto.


Kasama na nga rito ‘yung pelikulang Mare na balitang pagsasamahan nila ni Nora Aunor.


“Binabasa ko na ang script. Hindi ko pa lang natatapos," dagdag ni Ate Vi.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page