top of page
Gary V. - IG.jpg

VILMA AT DOLPHY, LAGLAG SA 10 BAGONG NATIONAL ARTISTS

Writer: BULGAR
BULGAR
4 hours ago
3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | September 11, 2026



Vilma Santos at Dolphy - IG Vilma Santos-Recto - FB Maybelyn dela Cruz-Fernandez

Photo: Vilma Santos at the late Dolphy - IG Vilma Santos-Recto / FB Maybelyn dela Cruz-Fernandez



Inilabas na ni President Ferdinand Marcos, Jr. ang pangalan ng 10 new National Artists under Proclamation No. 1414. Ang huling pagbibigay ng top award ng bansa ay noong 2022 pa.


Ang 10 pinarangalan bilang National artists ay sina: Nicanor Tiongson, Gregorio Brillantes, Imelda Cajipe Endaya, Nunelucio Alvarado, Gabriel Formoso, Rafael "Nonoy" Froilan, Maria Beatriz "Patis" Tesoro, Armando "Bing" Lao,  Teodoro "Teddy" Hilado at Alfredo S. Buenaventura.


Hindi nakasama sa listahan ang pangalan ng Star for All Seasons-cum pulitikong si Ate Vi (Vilma Santos-Recto) gayung marami na rin siyang naiambag sa industriya. 


Tanong tuloy ng mga netizens, ano raw ba ang basehan ng pagpili sa National Artist? 

Si Ate Vi ay pormal nang nominado para sa Order of National Artists for Film and Broadcast Arts.


Noong 2024, inihain ng AktorPH, sa pangunguna noon ni Dingdong Dantes, ang kanyang nominasyon sa NCCA. Bakit kaya hindi siya napili ngayong 2026?


Ang eksaktong dahilan ay hindi umano isinapubliko ng NCCA/CCP. May proseso ng pagsusuri at pagpili bago makarating ang rekomendasyon sa Pangulo. 

Napaka-interesting naman daw ng sinabi ni Ate Vi sa isang panayam noong Hulyo. 

Aniya, "If it’s meant to be, it’s meant to be. But my world will not crumble if I’m not recognized as a NA. Life goes on.” 


Sinabi rin niya na matapos ang 63 taon sa showbiz, marami na siyang naibigay sa industriya at nagpapasalamat siya sa mga taong nagsusulong ng kanyang nominasyon.

May posibilidad pa rin daw na maiproklama ang Star for All Seasons dahil pormal na siyang nominado, malinaw na kinikilala ng ilang sektor ng industriya ang kanyang malaking kontribusyon.


Sa 10 nabanggit ay apat sa mga ito ay Posthumous awards ang ibinigay na isa rin sa questionable dahil kung tutuusin, dapat daw ay isinama sa listahan ang Comedy King Dolphy. 


Noong Enero 27, 2026, naghain umano ang ilang senador ng Senate Resolution No. 259 para inomina si Dolphy sa posthumous conferment ng Order of National Artist. Pero nakasaad na pending in committee pa ang resolution. 





MAY matapang na repost si Alden Richards ukol sa hospital arrest kay dating House Speaker Martin Romualdez kamakailan.


Agaw-pansin ang aktor-host matapos niyang i-repost sa Instagram Stories ang isang post na nagkukumpara sa hospital arrest ni Romualdez sa naiulat na pagkakakulong ng isang 68-taong-gulang na lalaki na umano'y nagmakaawa para mapakain ang kanyang apo.


Dahil dito, maraming netizens ang nag-react at kinuwestiyon ang maliwanag na pagkakaiba sa pagtrato sa dalawang taong nasa magkaibang sitwasyon.


Sa repost, ipinakita ang mugshot ni Romualdez matapos siyang arestuhin at manatili sa isang ospital dahil sa naiulat na anxiety attack. Katabi nito ang larawan ng matandang lalaki na umano'y nakulong matapos mamalimos sa lansangan.

Nakasaad sa caption: “Bilyun-bilyong pera ang ninakaw.


"Nagka-anxiety, pinayagang manatili sa ospital. Lolo, namalimos para may maipakain sa apo, binugbog, ikinulong.”


Ang pagre-repost ni Alden ay sa kalagitnaan ng pagpapatuloy ng paglilitis laban kay Romualdez, na inaresto dahil sa kasong plunder na may kinalaman sa mga alegasyong siya at ang dating mambabatas na si Elizaldy Co ay nakatanggap ng mahigit ₱7 bilyong kickback mula sa mga proyekto ng gobyerno.


Bagama’t walang mahabang personal na paliwanag si Alden sa kanyang repost, umani pa rin ito ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizens.





SPEAKING of Alden Richards, siya umano ang unang guest ni Vice Ganda sa pilot episode ng GGV Unfiltered ngayong September 13 sa GMA-7.


Ang daming nag-react at may tanong na: "Bakit si Alden ang first guest, dapat ‘yung pasabog din na puwedeng katapat ni Vice?"


Sana raw ay si Marian Rivera o si Jessica Soho na lang para mas exciting. 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page